"Mas narinig mo naman siguro sa mga kwento ko kay Dan at Bobbie na kuhang kuha ako ng physical touch. But that’s superficial.
Before Taiwan, noong busy ka pa sa NU at masters, lagi kang may ginagawa tuwing duty. You were so driven and passionate with what you’re doing. I admire how you want to grow professionally, and you are actually doing something for it to happen. It’s something I couldn’t see myself doing right now. Iba yung commitment mo sa sarili mo para maging better ka. Hindi ka lang nangangarap. May ginagawa ka para maabot yun.
At some point, noong nalaman kong pinag-aawayan niyo yan, napapawish ako na sana ako na lang. Kasi gets kita. Kaya kong ibigay yung hinihingi mong setup. Totoong inaasar lang kita kapag binabanggit ko yung situationship haha. Kung ‘yon lang ang kaya mong ibigay (as of now lang ha? May balak naman siguro in the future?), tatanggapin ko. Kasi ‘yon yung bulk ng admiration ko sa’yo. Pinaninindigan mo yung gusto mo sa buhay. I respect your dreams and vision in life. They say so much about you as a person. You have so much life in you.
Noong iniisip ko kung paano kita ipaglalaban kay Nanay, ang unang sumagi sa utak ko, “aalagaan ako non.” Before, during, and even post Taiwan. Sa totoo lang, I feel like I’m always at the receiving end. You are giving me so much I don’t know what to do with them, and where to put them. At hindi ako sanay do’n. Mas sanay akong nagbibigay to the point na ako na yung nauubos.
Noong hindi pa ko umaamin at kakabalik lang natin from Taiwan, lagi akong nagdadalawang isip kung ayos lang ba hawakan kamay mo. Because it’s not something I usually do with my friends. Kahit tanong mo pa si Lance haha ayaw ko nga ng hina-hug ako. Kaya may mga times noon na pinipigilan ko sarili kong hawakan ka to test if you’ll initiate it. Nalulungkot ako noon kapag iniisip kong mawawala ka rin balang araw. We’ll part ways. Magreresidency ako eventually. Aalis ako sa Bbraun. Hindi na kita makakasama. Madalas ‘yon sumagi sa isip ko. And I couldn’t imagine a life without you.
2x/week lang magkikita pero nagagawa kong 4x. Kapag Thursday, iniisip ko paano kita mapapapunta sakin haha. Kaya nga ako laging nag-aaya ng labas. Before Taiwan, naalala mo noong nagpa-nails ako tapos sa MOA pa ko namili? Pwede mo naman talaga daanan na lang yung maleta sa bahay. Pwede namang sa Southmall na lang ako mamili. Kasi literal na kabilang kanto lang yung nail salon sa Southmall haha. Pero pinili ko yung makikita kita. Makakasama ng kahit kaonting oras. I was already enjoying your company.
Totoo naman na nabawasan yung time namin ni Nanay. Totoo naman na madalas na kong magsungit non. Kasi syempre, may tinatago ako. Nalilito ako. Madami akong iniisip. Kaya ngayon na nasabi ko yung totoo, ang gaan sa loob ko. Kung ‘di ko nga lang iniisip yung iba, kaya ko na ‘to agad ipagmalaki sa mundo.
Ang weird no? Kasi ayaw kitang mawala pero nagrisk ako. Pasensya na haha magulo lang talaga minsan. Pwede palang sumugal at manalo. Sugal lang kasi ako nang sugal eh. Kaya ngayong nandito na yung premyo, hindi ko pa alam paano hahawakan, paano aalagaan, paano nanamnamin. Kung sakaling maubos ang premyo, magramdaman ko sana. Pagtatrabahuhan ko para manalo ulit. Sana di maubos. Sana di mawala. Wala akong nakikitang ibang papalit. Wala kang kapantay."
Matutulog sana ako, wag na pala. Mas masaya pala sa realidad kesa panaginip. Akin ka, Clea. At sa'yo ako.