Kung ang mundo'y isang malaking entablado, At ang bawat isa'y may kanya-kanyang parte, Nakaligtaan ko yatang dumalo Sa bigayan ng iskrip.
Lahat sila'y magagaling, Alam na alam nila kung pa'no umarte, Habang ako'y walang ideya sa gagawin, Saan ba ako lulugar? Anong sasabihin ko? Hay, Kailan ba naganap ang pagpupulong?













