Kahapon umattend ako ng hardhatting and pinning ceremony ng mga 3rd Year railway engineering and management students. Bale yung event is similar with pinning and capping ceremony ng mga nursing students. Parang send off siya sa mga third years na mag-OJT. Supposed to be nung June pa dapat to kaso daming issues.
Wala naman akong mga students na third year so kiber lang during the event, lagay lang hard hat ganoon. Tapos after mailagay yung sa mga 3rd year students, nagkaroon ng opportunity yung mga 4th year volunteers na maexperience din yung hardhatting. 3 sa mga 4th year na yun ay mga junakis.
Sumakto naman na sa akin natapat si Mich haha. Medyo nakakaiyak nang onti kasi feeling ko nakapagpatapos ako ng anak sa kolehiyo haha.
Another part nung event is may mga inspirational talk from the alumni, wherein shinashare nila yung experiences nila sa mga 3rd years regarding their professional journey and experiences. 2 out of 4 alumni ay junakis ko naman sa Tracks. Kakaproud coz sila yung batch na tinuturing naming pinakamagagaling, and thriving din sila sa kanilang respective fields (Engineer sa Subway yung isa, Part ng Cavite Ex Project yung isa).
Hehe.












