Hindi mo ba alam yung 3 month rule? Kahit man lang 1 month lang. Bakit ganyan ka? Hindi ko alam na napakalandi mo pala. Akala ko pa naman ikaw na pinakamatinong lalaking naging boyfriend ko ang nakilala ko, yun pala ikaw ang pinakamalandi at worst manakit ng feelings.
Bakit wala pa nga tayong one week na break, may kalandian ka na agad. Sorry pero ang iniisip ko ngayon, humanap ka lang ng butas para iwan ako at para dyan sa bago mong babae. Wag ko lang malaman na nilalandi mo na yan habang tayo pa.
Ngayon, galit na ang nararamdaman ko para sayo. Napakagago mo! I don't deserve this. I don't deserve the way you treat me now, and I don't deserve you.
Sige. Magsama kayo ng bago mong babae. Sana maging masaya ka. Sana maging masaya kayo. ..|..
Wala akong gagawin sa inyo pero ang KARMA, hintayin mo.