Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
ā Live Streamingā Interactive Chatā Private Showsā HD Quality
Anya is LIVE right now
FREE
Free to watch ⢠No registration required ⢠HD streaming
January 27, 2019 - āAbiding in Christā John 15:5 (2019 THEME PASSAGE)
Click READ MORE to read the full sermon.
Introduction
Ang libingan ay may malalim na kabuluhan sa aking buhay. Sa lapida ay nakaukit ang pangalan ng isang yumao na mahal sa buhay. Sa bandang ibaba ay ang takdang araw ng kanyang kapanganakan at kamatayan na nagpapabatid ng panahon sa kanyang buhay. May libingan kung saan nakaukit sa lapida ang huling salita na pinakabuod ng buhay ng isang namayapa. Ang huling salita na ito ay buhay na ala-ala at pamana sa ating mga mahal sa buhay na ating maiiwanan.
May personal na tanong ako sa aking sarili na malamang ay sumagi na rin sa inyong kaisipan. Ano kaya ang nasa puso natin na kalooban nating maiukit sa sarili nating lapida na magsasalarawan sa ating tanang buhay? Hindi naman kinakailangan na tayo ang gagawa nito para sa ating sarili upang pangalagaan ang ating sariling pangalan. Siyanga, higit na mabuti kung ang huling salita na buod ng ating buhay ay iguguhit ng ating mga mahal sa buhay na higit na nakakakilala sa atin. At kung sakali mang walang nakaukit na huling salita sa ating sariling lapida, ano naman kaya ang malalim na pagkakakilala sa atin ng ating kapwa tuwing mababasa nila ang ating personal na pangalan sa puntod ng ating libingan?
Pinangarap ko naman, bakit hindi, na sa takdang araw ng aking pagyao ay tulad kay Moses na tahimik at lingid sa maraming tao. Gayunpaman, ang huling salita na buod ng aking buhay, tulad ni Moses, bagamaāt hindi man ito nakasulat sa aking lapida ay nakaukit pa rin naman ito sa puso ng aking pamilya at kapwa. Ito ay may seryosong kabuluhan sa aking buhay. At batid ko na ito ay seryong kaisipan sa bawat isa sa atin.
Sa Banal na Kasulatan ay ating mababasa na si Metuselah ay nabuhay ng halos isang libong taon. Siya ay nabuhay ng 969 taon pagkatapos siya ay namatay (Gen. 5:27). Hindi natin maiwasang manlumo na ang pangunahing pagkakakilanlan sa kanya ay ang haba ng kanyang buhay.
Sa kabilang panig, may isang maralita na namuhay ng maikling panahon. Siya ay nabuhay lamang sa loob ng 33 na taon. Ngunit kung gaano kaigsi ang kanyang buhay ay ganoon din naman kadakila ang kanyang buhay. Kung maisusulat lamang ang bawat aklat patungkol sa kanya, ayon kay Apostol Juan, ay mistulang hindi makasasapat ang lawak ng buong daigdig para sa kalalagyan ng kuwento ng kanyang buhay (Jn. 21:25). Siya ang pinakadakilang nilalang na nabuhay at sentro ng kasaysayan ng sangkatauhan. Mula sa Langit bumaba siya sa daigdig. Isinilang siya sa abang sabsaban. Ipinako siya sa krus. Nabuhay mula sa libingan. Bumalik sa kalangitan. Siya ang Anak ng Diyos, dakilang Lumikha ng sansinukob, tanging Tagapagligtas ng sangkatauhan at Panginoon ng lahat. Sa kanyang pangalan bawat tuhod ay maninikluhod at bawat labi ay magwiwika na si āJesus ang Panginoon.ā Dito sa daigdig, ang pangunahing sumunod sa kanya ay ang labindalawang apostoles na nalagasan ng isang taksil. Mula sa maliit na komunidad ng mga alagad ay lumaganap ang kanyang pangalan at kapamahalaan sa sangkatauhan. Mula sa isang buhay ay namunga ng napakaraming buhay. Panindigan natin ang salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
āI am the vine; you are the branches. If you abide in me and I abide in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing.ā (Jn. 15:5)
Ano ang kabuluhan nito para sa atin? Kung tayo ay na kay Jesu-Cristo, ang ating ugnayan sa kanya ay magpakailanman. Mahigpit tayong lumalakad kasama niya bawat araw. At sa lubos nating pagpapasakop sa kanyang kalooban ay magiging makabuluhan ang ating buhay.
A.Ā Inseparable from Christ
āI am the vine; you are the branches.ā
Isinalarawan ang ating ugnayan sa Diyos sa isang hardin ng buhay. Si Jesus ang puno ng ubas. Tayo ang mga sanga. At ang Diyos Ama ang tagapag-alaga.
Ā 1. The True Vine
Ang isang puno ay nakikilala ito sa pamamagitan ng kanyang bunga. Ang isang puno ng ubas ay nagbubunga ng ubas. Pinagtibay ni Jesus na siya ang ātotoong puno ng ubasā (15:1).
Ito ay sadyang napakahalagang pagpapakikilala ni Jesus ng kanyang sarili sa kanyang mga alagad. Sino nga ba talaga si Jesus? Ayon sa pagpapakilala ni Jesus sa kanyang sarili na nakasulat sa Banal na Kasulatan, siya ay walang iba kundi ang walang hanggang Diyos Anak, ang pangalawang persona ng Trinidad. Siya ang tanging Tagapagligtas ng sangkatauhan mula sa kanilang pagkakasala. Siya ang dakilang Panginoon ng lahat ng bawat bansa at sa buong sangnilikha. Siya ang tunay na Mesiyas, ang Hinirang ng Diyos mula sa Langit, at sa pamamagitan niya ay makikilala natin ang Diyos at maipagkaloob sa atin ang kanyang dakilang pagliligtas at paghahari dito sa Lupa.
Winika ni Jesus na sa sanlibutang ito ay marami ang magpapanggap na sila ang Cristo at ang tanging layunin ay manlinlang sa ikapapahamak ng tao. Tanging si Jesus ang Mesiyas na ganap na kapahayagan ng Diyos na makapagkakaloob ng kaligtasan at buhay na walang hanggan sa sangkatauhan. Sa liwanag ng katotohanang ito ay pinagtibay ni Jesus Ā na siya ang ātotoong ubasā sa ating pagkakakilanlan at ugnayan sa Diyos.
2. The Abiding Branches
Ang tunay na puno ng ubas ay magbubunga ng ubas. At ang puno ay makakapamunga sa pamamagitan ng mga sanga na nakaugnay dito. Ang bunga ng mga sanga ay nagmumula sa puno ng ubas. Sino ang mga sanga na nakaugnay kay Jesus bilang puno? Sila ay ang mga alagad na may tunay na pagkakakilala kay Jesus at personal na ugnayan sa kanya at namumuhay ng mabunga.
Sadyang may mga taong nagpapanggap na kumikilala kay Jesus ngunit hindi alinsunod sa tunay na kapahayagan ni Jesus patungkol sa kanyang sarili. Bagamaāt may mga taong bukambibig nila ang pangalan ni Jesus, siya naman ay kanilang itinatatwa bilang dakilang Mesiyas, ganap na Diyos, tanging Tagapagligtas at Panginoon sa kanilang buhay. Sa kanilang pagtatwa kay Jesus sa kanilang puso ay wala din naman silang personal na kaugnayan kay Cristo. At dahil dito ay hindi pakakakitaan sa kanilang buhay ang bunga ng katotohanan at kabanalan. Ipinaliwanag ni Jesus na ang ganitong uri ng mga tao na nagpapanggap na kumikilala sa kanya ay hiwalay kay Cristo tulad ng mga sanga na hindi nagbubunga at kinakailangang putulin mula sa puno (15:6). Ito ang babala ni Jesus.
āNot everyone who says to me, āLord, Lord,ā will enter the kingdom of heaven, but only who does the will of my Father in heaven. Many will say to me on that day, āLord, Lord, did we not prophesy in your name, and in your name drive out demons and perform many miracles?ā Then I will tell them plainly, āI never knew you. Away from me, you evildoers.āā (Mt. 7:21-23)
Ano ang kabuluhan nito para sa atin? Maingat nating suriin ang ating puso. Tayo ba ay may tamang pagkakakilala kay Jesus ayon sa katuruan ng Banal na Kasulatan? Tayo ba ay may personal na ugnayan kay Cristo bilang ating Diyos, Tagapagligtas at Panginoon? At tayo ba ay nabubuhay sa kabanalan sa liwanag ng katotohanan ng Salita ng Diyos?
Ang tunay na mga alagad ni Jesus ay may totoong pagkakakilala sa kanya at personal na kaugnayan sa kanya at namumuhay sa katotohanan at kabanalan alinsunod sa Salita ng Diyos. Bilang mga alagad ni Jesus tayo ay mga banal dahil sa kanyang pagpapatawad sa ating kasalanan batay sa kapangyarihan ng kanyang salita (15:3).
Ā 3. The Binding Union
Kung tayo ay may tamang pagkakilala kay Jesus at may personal na ugnayan sa kanya at nagbubunga sa kabanalan batay sa katotohanan ng kanyang Salita, ano ang itinuturo nito sa atin sa ating kaugnayan sa kanya bilang puno at tayo bilang kanyang mga sanga? Ito ay katibayan na ang ating kaugnayan sa kanya ay matibay at magpakailanman. Ito ay matibay dahil si Jesus mismo ang humirang sa atin at nagbuklod sa kanya (15:16). At ito ay magpakailanman dahil si Jesus ay ang walang hanggang Diyos Anak (1:1) na nagbigay sa atin ng karapatan bilang mga anak ng Diyos Ama sa Langit (1:12) at nagkaloob sa atin ng buhay na walang hanggan (3:16) at mamuhay na pinagpala (10:10). Sa dakilang kaugnayan na ito sa Diyos ay walang makapaghihiwalay sa atin kay Cristo. Ang dakilang katotohanan na ito ay pinagtibay ni Apostol Pablo.
āFor I am convinced that neither death nor life, neither angels or demons, neither the present nor the future, nor any powers, neither height nor depth, nor anything else in all creation, will be able to separate us from the love of God that is in Christ Jesus our Lord.ā (Rom. 8:38-39)
Ito ang diwa ng ating personal na ugnayan kay Jesus bilang tunay na puno ng ubas at tayo bilang kanyang mga sanga na nananatili sa kanya.
B.Ā Intimacy with Christ
āIf you abide in me and I abide in you.ā
Si Jesus ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga. Sa ating personal na kaugnayan sa kanya tayo ay nabubuhay kasama siya. Tayo ay manatili sa kanya tulad ng kanyang pananatili sa atin. Maaari bang lumakad ng maayos ang dalawa malibang sila ay magkasundo? Pakaingatan natin ang pananahan sa atin ni Cristo.
Ā 1. We Abide in Christ
Ang isang buhay na sanga ay nakaugnay at nananatili sa puno. Tayo din naman bilang mga alagad ay nakaugnay at nananatili kay Jesu-Cristo. Ang pananatili kay Jesus ay nangangahulugan ng patuloy na pananahan at matiyagang pagsunod kay Cristo. Batay sa talinghaga ni Jesus ng puno ubas at mga sanga nito ay ipinababatid ni Jesus ang kahalagahan ng ating pananatili sa kanya bilang kanyang mga minamahal na alagad.
Una sa lahat, manatili tayo kay Jesus bilang isang tunay na Diyos. Winika ni Jesus, āManatili kayo sa Akinā (15:4). Siya ang Diyos Anak, ang ikalawang Persona ng Trinidad. Siya ang Diyos na Lumikha ng Langit at Lupa. Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Siya ang Diyos na ating Tagapagligtas. Siya ang Diyos na Panginoon ng lahat. Siya ay karapatdapat ibigin, paglingkuran at sambahin. Manatili tayo sa kanya ng may kababaang-loob, banal na pagkatakot at tapat na pagsunod.
Pangalawa, manatili tayo sa Salita ni Jesus. Winika niya, āManatili kayo sa aking Salitaā (15:7). Ang Banal na Kasulatan ay Salita ng Diyos. Ang manatili kay Jesus ay pagsunod sa kanyang Salita. Manahan tayo sa katotohanan at ipangaral natin ang kanyang Salita.
At pangatlo, manatili tayo sa pag-ibig ni Jesus. Winika niya, āManatili kayo sa aking pag-ibigā (15:9). Ang pananatili sa kanyang pag-ibig ay pagsunod sa kanyang Salita (15:10). At sa ating pagmamahal kay Jesus ay iniaalay natin ang ating buhay sa kanya. Gawin natin ito ng may taos- pusong kagalakan at pagpapasalamat.
Ā 2. Jesus Abides in Us
Sa kabila ng ating mga pagkukulang ay tapat na nananatili sa atin si Cristo. Kagalakan sa ating puso na manahan sa kanyang katapatan at kagandahang-loob. Doon sa Hardin ng Gethsemane, tinalikdan ng mga apostoles si Jesus noong gabi nang siya ay dinakip upang mahatulan ng kamatayan sa krus. At doon sa bundok sa Galilea, pagkatapos siyang mabuhay mula sa kamatayan at bago manumbalik sa Langit, kasama ang kanyang mga apostoles na nanumbalik-loob sa kanya, ay nag-iwan siya ng dakilang pangako, āMakatitiyak kayo na makakasama ninyo ako maging sa katapusan ng panahonā (Mt. 28:20). Tunay na kagalakan sa puso na tayo bilang mga tunay na alagad, sa kabila ng ating karupukan at kasalanan, kailanman ay hindi tayo pababayaan at tatalikdan ni Jesus.
3. Our Intimacy with Christ
Malalim ang kabuluhan ng tapat na pananahan sa atin ni Jesus. Doon sa krus ay inialay niya ang kanyang buhay para sa atin. Kung magkagayon ay laan din niyang ipagkaloob ang bawat mabubuting bagay para sa atin. Sa kanyang pananatili sa atin ay wala siyang ibang layunin kundi ang pinakamabuti para sa atin. Siya ang ating Mabuting Pastol. Gagabayan niya tayo sa luntiang pastulan, sa tahimik na batisan at landas ng katuwiran. Sa ating paglalakbay sa buhay ay mananahan sa atin ang kanyang katapatan at kabutihan. Ā Manatili tayo sa kanya sa bawat araw.
C. Bearing Fruits in Christ
āYou will bear much fruit.ā
Sa ating pakumbabang pananahan kay Jesus ay magiging mabunga ang ating buhay. At upang sumagana ang ating bunga ay dadalisayin niya ang ating kalooban. Mula sa dalisay na puso ay kalulugdan niya na pagpalain ang ating buhay upang higit na maging pagpapala sa kapwa.
Ā 1. Bearing Fruit in Abiding
Sa tapat na pananatili kay Jesus ay kanyang winika, āMamumunga kayo ng sagana.ā Pangunahin sa lahat ay ang bunga ng pananampalataya. Si Jesus ang kaganapan ng pangako ng Diyos kay Abraham upang mapagpala ang buong sanlibutan. Ang buhay na pananampalataya nina Abraham, Isaac at Jacob ay ang dakilang pamana para sa ating lahat na kumikilala kay Jesus. Ito ang pinakadakila nating maipapamana sa ating mga anak ng higit sa anumang kayamanan sa daigdig. Sa ating pananalig kay Jesus ay mahuhubog ang ating buhay sa wangis ng Diyos upang maipalaganap natin ang bunga ng katotohanan at katuwiran sa daigdig.
Ā 2. Bearing Fruit in Pruning
Kaya naman sa ating pananatili kay Jesus ay dinadalisay ng Diyos ang ating kalooban upang higit na maging mabunga ang ating buhay. Nililinis ng tagapangalaga ang mga nagbubungang sanga sa ubasan upang higit itong maging mabunga. Sa hardin ng buhay, ito ang gawain ng ating Diyos Ama sa Langit. Dinadalisay niya ang ating puso upang higit tayong maging mabunga (15:2). Ito ay masakit na proseso ngunit kinakailangan upang matuto tayong mapagpakumbaba. Kalulugdan tayo ng Diyos at maging daluyan ng pagpapala sa ating kapwa.
C. Total Submission in Christ
āApart from me you can do nothing.ā
Maliwanag ang mensahe ni Jesus. Kahungkagan ang buhay na hiwalay kay Cristo. Tanging kay Jesus matatagpuan ang kaganapan ng buhay. Sa lubos na pagpapasakop kay Jesus ay sasagana ang bunga sa ating buhay.
Ā 1. Vanity Apart from Christ
Isang kahungkagan ang mamuhay na hiwalay kay Cristo. Ang buhay na hindi nakapundasyon kay Jesus at sa kanyang Salita ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa ibabaw ng buhangin at nagbabantang mawasak anumang oras. Isapuso natin ang babala ni Jesu-Cristo. āAno ang mapapala ng isang tao kung maangkin man niya ang buong daigdig ngunit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?ā (Mk. 8:36)
Ā 2. Fulfillment in Christ Alone
Sa kabilang panig, ang nananalig kay Jesus at nananahan sa kanyang Salita, ay tulad ng isang tao na nagtayo ng kanyang bahay sa bato at hindi natitinag ang pundasyon nito. Kung si Jesus ang sentro ng ating buhay, kalulugdan niya ang ating buhay para sa kanyang kaluwalhatian (15:7-8). Tanging si Jesus ang kaganapan at kagalakan ng ating buhay.
Ā 3. Fruitfulness in Yielding to Christ
Ano ang ating tugon? Sa kabila ng ating karupukan, makikita natin ang dakilang gawain ng Diyos sa ating buhay. Lubos nating ipagkatiwala ang ating buhay, kalooban at kinabukasan sa kamay ng ating Panginoon. Winika ni Jesus, āWala kayong magagawa maliban sa akin.ā
Conclusion
Isapuso natin ang mga dakilang aral sa hardin ng buhay. Si Jesus ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga. Ang ating ugnayan kay Jesus ay magpakailanman dahil sa kanyang pagliligtas sa atin mula sa ating kasalanan at walang makapaghihiwalay sa atin mula sa kanyang kamay. Manatili tayo kay Jesus at siya naman ay mananatili sa atin. Manahan tayo sa kanya sa bawat araw sa marubdob na panalangin at pagbubulay ng kanyang Salita. Sa ating pananatili kay Jesus tayo ay magbubunga ng sagana. Mahuhubog ang ating pagkatao sa wangis ni Cristo at maging pagpapala ang ating buhay na pinagpala. Kailangan nga lamang nating ipagkatiwala ang bawat aspeto ng ating buhay at lubusang magpasakop sa kanyang kalooban. Maliban kay Jesus ay wala tayong magagawa na mananatili at kalugod-lugod sa harapan ng Poong Maykapal.
Iisa lamang ang ating buhay na maisasapamuhay, maipaglilingkod at maiaalay. Sadyang napakalaking kawalan kung sasayangin lamang natin ang ating tanang buhay sa mga bagay na walang katuturan. Papaano nga ba tayo dapat mabuhay? Si Linda Ellis ay sumulat ng isang tula na ang pamagat ay The Dash, o Kudlit ng Buhay. Ito ang kudlit sa lapida sa pagitan ng araw ng kapanganakan at kamatayan. Isapuso natin ang tula.
Ā The Dash
I read of a man who stood to speak
At a funeral of a friend.
He referred to the dates on her tombstone
From the beginning to the end.Ā
He noted that first came the date of her birth
And spoke of the following date with tears,
But he said what mattered most of all
Was the dash between those years.
For that dash represents all the time
That she spent alive on earth
And now only those who loved her
Know what that little line is worth.Ā
For it matters not, how much we own,
The cars, the house, the cash.
What matters is how we live and love
And how we spend our dash.Ā
So think about this long and hard;
Are there things youād like to change?
For you never know how much time is left
That can still be rearranged.
If we could just slow down enough
To consider what is true and real
And always try to understand
The way other people feel.Ā
And be less quick to anger
And show appreciation more
And love the people in our lives
Like weāve never loved before.
If we treat each other with respect
And more often wear a smile
Remembering that this special dash
Might only last a little while.
So when your eulogy is being read
With your lifeās actions to rehash
Would you be proud of the things they say
About how you spent your dash?
Ā Sa hardin ng buhay, iukit natin sa ating puso ang salita ni Jesus.
āI am the vine; you are the branches. If you abide in me and I abide in you, you will bear much fruit; apart from me you can do nothing.ā (Jn. 15:5)
The theme verse on campus for this year is from Colossians 3. It says that we are renewed in Christ. The catchphrase Renew[ed] can be found all over official school emails, posters, and banners, as well as prominently posted in the CU Center. While it is encouraging to see the promise of new strength, joy, peace, etc. several times a day, I cannot help but be confronted by the fact that in order to be renewed one must indeed be empty.Ā
It is a deep blow to my pride as a student. My pride says I can do everything on my own. My pride says I donāt need anyone else. My pride pushes me to the brink of exhaustion, desperation, and often times despair. And even when I begin to understand that I cannot do things on my own, my pride still clings to the ghost of a non-existent hope that I can be self-sufficient.Ā
I have many times found myself putting off prayer because I know that I will need to give up that which I am clinging to more closely than God. Sometimes it is anxiety or desire to control the circumstances around me. This lead to spectacular failures and humbling realizations on my part. Thankfully, there is grace that comes like a wave of relief and restores us. Godās sufficiency, his peace, his love is again greater than my lack, anxiety, and apathy.Ā
It seems as if this semester I have started out quite empty, drained of energy, waiting for a respite. Classes have started with more gusto than expected of the first week, events are tempting, and catching up with friends seems more of a priority than the rest of the Quixote readings I need to finish. In all sincerity, I did not even make it to the thirds day of school without being completely humbled by the fact that I am a weak and insufficient person. The first week had not ended before I needed to be renewed.Ā
On the one hand this is exciting. I can see that God is going to work in really amazing ways. The excitement however is overshadowed by an impending realization of the personal cost of this, the Glory of God: the loss of my own glory, physical exhaustion, emotional emptiness, etc. I am understanding that I must continue to decrease that Christ might be made much of. I must get out of the way.Ā