Kwentong STARCON ko.
"Tayo ay nabigyan lang ng pagkakataon dahil sa di nauubos na grasya ng Panginoon." (c) Kuya Glenn My journey to starcon started on a wednesday morning. Kinamusta ako ng isang MV na sis from Cavite na itago natin sa name na Ka Karen (Magandang Volunteer) :) at dun nagsimula ang adventure na hinding hindi ko makakalimutan. I was part of the Logistics Committee. Halos lahat kami sa team ay pangarap yun at sobra akong naexcite dahil sa challenges na kadikit nun. Aware ako kung gaano un kabigat at ka stressful pero di ko inakala na ganun katindi hanggang naranasan ko, namin lahat. Ung simula pa lang sa pag brain storm ng ideas sa mga design, canvass ng mga gamit, panu mapunan needs ng ibang committee, paghanap ng materials, at ang pinakapaborito ko na paghahanap ng makakainan. :) Kakaiba ang journey na ito dahil 2nd time ko pa lang makapagserve sa ryc. Last year ang una. Masasabi ko na mas mahirap ang sakripisyo na naranasan ko ngayon dahil last year nasa home court kami. Yung tipong Team namin ang unang dumating sa venue tas kami rin ang huling umalis. Ung day before starcon marami pang kulang at inaayos. Mismong day nga may tinatapos pang kelangang gamitin hours before. Na kung san san na nakakatulog nung preparation. Foods lang tlaga ang malaking sagot sa pagod at wagas na tawanan. I am blessed with this team na biniyayaan ng good humor ang lahat. Dahil dun, nakakapawi ng pagod at nakakagana lalo. Pero sa buong preparation, sa sobrang pagod ko, sumagi sa isip ko na mag quit habang naglalakad ako sa katanghalian paghahanap ng mga mabibilhan ng materials, ngalay na pabalik balik, sobra sakit na ulo, nahihilo na sa gutom at puyat. Na kung pwede bang umayaw na lang. Pero alam kong di dapat ganun. Kase kapag nagcommit ka, anu man ang nararamdaman mo at the moment patuloy lang dapat Kase kay God tayo nag Yes. Narealize ko na kahit gaano na kalayo ako sa comfort zone ko, hindi ko ipagpapalit ang mga araw na yun sa ibang araw na petiks lng ako. I came to love the challenges na kaakibat ng adventure ng buhay ko. At isa ito sa pinaka sumubok sa emosyonal, pisikal, mental at spiritual na aspeto. Tunay ngang maraming sakripisyo sa pagseserve at ang pinaka nahirapan ako ay yung di halos makasama ang yfc family ko bilang isang probinsya. May time na wala na halos ginagawa sa committee namin na hinanap ko sila at kahit 2 lng ang nakita ko, niyakap ko sila kahit saglit lng. Ang pinaka grateful ako ay yung session ng gabi dahil may kukunin lang talaga ko sa oksimin tas aalis na at standby dahil baka may biglang gawin but then a brother told me na kateam ko na wala pa raw. That time nilubos ko na. Nun mismo nadama ko ung pagiging at home. God blessed us with a whole lot of time to be in our home provinces. To be around the people closest to us. And to once again see a glimpse of heaven with our Tito's and Tita's as one yfc family. Ang pinaka natutunan ko. Anu man ang mga nangyayare sa buhay natin, kung asan man tayo ngayon, sino man tayo sa ngayon, anu man ang mga naabot natin, ilang beses man tayong bumagsak, nasaktan, nahirapan,ano man ang mga pangarap natin,at mga plano natin na hindi natupad, isa lang ang mahalaga. Kung paano tayo tinitingnan ng Diyos. Kung paano Nya kayang yakapin at tabunan ng pagmamahal lahat ng mali sa buhay natin. At kung paano Nya nireremind ang bawat isa na we are not fighting alone, that we are heroes in our own unique way. Na lageng ung plano Nya ang mas mabuti. Na sya ang magtatanim ng pangarap sa puso natin. For this conference, God affirmed me of His plans in my life. Kung san Nya ko gustong i-lead. Though I was tempted and wounded, now I can say that I am God's Champion. We all are. Let us live a life worthy of our calling and share the love of the Lord to everyone who haven't experience it. #STARCON2015 #YFCLeague #kwentongSTaRCon #MinoreñongMisyonero Ps. Nung nagsharing sa committee namin, ang naging tanong, San mo nakita ang Diyos sa buong conference? Sabi ko, nakita ko ang Diyos sa mga taong nakasalamuha ko. Sa palengke nung nagtatanong kami ng mabibilhan, sa mga driver kapag naliligaw na kami, sa mga kinukulit naming naglalako ng pagkain dahil nakakagutom, sa mga yfc na taga ibang probinsya na nakakasalubong sa hallway at sa buong Logistics Team. Ung mga lambing na pagsagot sa makulit naming tanong, sa pagngiti, pakikinig, pag alalay at sa iba pang simple at maliit na bagay kung titingnan pero napakalaki ng epekto pag pinagsama sama. (Random Act of Kindness) To God be the Glory.













