Pero lasing at lunod ako sa pagmamahal sa'yo.
Nakakagaan ng buong pagkatao,
Pero pinagkakagastusan kita.
Pero nakakabutas pala ng bulsa.
Gustong lagi kang nakikita.
Hindi ka naman sigarilyo,
Pero pumapasok ka sa sistema ko.
Pero bakit sa puso kita napunta?
Pero mahal, ikaw ang aking bisyo.
Nakakasama sa aking sistema,
Pero binabalik-balikan ka.
Sana kayanin ko nang iwan siya.
Pero pre, dapat bang iwan ko na?
Parang ayaw na rin naman niya,
Kaya ko bang talikuran ang bisyong ito at kailanman ay hindi na lingunin o balikan pa?
Kailangan nang magbagong buhay,
Bago pa siya ang sa akin ay pumatay.
Didisiplinahin ang sarili at hahanap ng sa akin ay makakabuti.
Sana mahal pagdating ng araw, hindi ka na maging bisyo ng kahit sino pa.
Dahil lahat ng bisyo, may masamang dulot sa tao.
Tandaan mo, hindi ka alak na sa atay tumatama.
Hindi ka rin sugal na kinaadikan ng mayayamang tulad nila.
Hindi ka droga na diretso sa utak ang punta.
Hindi ka yosi na sa baga ang tama.
Dahil pag ang tao naging bisyo ng iba, sa puso ang tama.
At tangina, sobrang sakit talaga.