Kung may isa akong babalikan, yun ay ang aking Sintang Paaralan kung saan ako nagtapos at natuto sa mga pagsubok sa buhay, lumaban mag isa. Sarap bumalik sa PUP MAIN sa Sta. Mesa (Batch 2010-2014) Ibang-iba pa siya noon, bumalik ako para kunin ko diploma 2 years ago marami na din nag iba ano pa kaya ngayon?
Nakakamiss sa PUP:
Fewa ni Virgin (kaso wala na daw si Virgin don)
Submarine na sobrang dami ng sili at sibuyas shit sabay inom ng sting na pula kasi walang tulog
kwek-kwek sa may teresa
siomai, sisig, burger at pancit canton
yung combo meal 25 pesos lang may kanin + ham + egg + chicken fillet + unli gravy pa
yung mag papa photocopy ka tapos kelangan mo pa pumila kasi dami ng kasabay isang libro pa pinapa photocopy
Yung pag pila sa cashier para magbayad (umaga ka pumila, hapon na matatapos)
tapos yung security guard na, saktong-sakto lagi na ikaw yung sisitahin kasi yung ID ko may sticker ๐
yung pagtambay sa sampaguita at charlie kahit amoy ilog pasig
tapos pag Foundation kala mo may perya, may pa Ferris Wheel pa o di ba
Pylon Run (lagi naming inaabangan isang beses lang ata ako pumalya, tangina yung mga etits at pwet langya)
tapos tambay pa sa may chapel, kakain o kaya mag gigitara
yung lagi na lang kukuha ng upuan sa kabilang classroom
tapos yung ATM (Automatic Tubig Machine) suki ako neto tipid-tipid
marami pa talaga, ang sayang balikan. Babalik ako, kukuhanan ulit kita ng litrato at sasama ko tropa para sabay-sabay kaming tatawa ulit ๐
Eto nga pala yung mga nabigay saken nung mga college buddies ko, pag first time ako nabibigyan kunyare candy, tinatago ko yung mga balat, tapos pag birthday tamang cupcakes lang at softdrinks, basta lahat ng nabibigay saken o kaya gumala kami may isang bagay akong tinatabi alaala ng mga nangyari. Yung iba tinapon ko na kasi masakit na alalahanin, nakalimot na kasi yung iba.
Ako never makakalimot, ako yung nakakalimutan. Okay lang ๐ค๐ป



















