After ng exam sa CLE, Filipino at Math half day pala kami. ayun natripan na kumain sa labas, nung una di pa alam kung saan kakain, pero ayun napagdesisyunan na sa Mang Inasal sa Olivarez kakain. edi ayan intay intay ng jeep sa labas ng school, naulanan pa nga sa pagiintay. hehehe. at ng may tumigil na jeep na halos walang laman, sakay kami. nakakatuwa kasi napuno ung jeep dahil saming RCians. Jeep ng RC?? kwentuhan, tawanan sa byahe. ayan bumaba na kami sa Olivarez, kain kami sa Inasal. hehehe. nakaorder na kami, habang iniintay ung pagkain nagpapicture kami dun sa waiter. hehehe. pagkatapos namin kumain dumiretso kami sa Robinson Tagaytay para lang tumambay. minsan lang daw ee punta kami ng Fun Time, nung una nakatunganga lang kami tapos nagyaya si Jonna na mag Dance Revo, edi laro kami. hehehe. un ung first time kong maglaro ng Dance Revo. nakakapagod pala un pero enjoy naman. :D Edi anung oras na, ee hindi pa naman ako nagpaalam na gagala kami. medyo kinakabahan na kasi baka mapagalitan pag uwe. mga ilang beses akong tumingin sa relos, hanggang abutin kami ng 2:30 umuwe na kami, mga 3:20 nakauwe na ako kasama si Melanie. kabado na ako, habang naglalakad sa ulan, nagiisip na kaming dalawa ng dahilan kung sakaling tanungin. :))) sobrang kinakabahan na ako. pag pasok ko pa lang ng bahay andun na si mama, tinanong agad ako kung bakit ngayon lang ako. edi hindi agad ako nkapgsalita. hmm. ayun sinabi ko na lang ung totoo. "papayagan naman kita ee, basta magpapaalam ka sakin, hindi ung basta ka na lang gagala.kung ung aso nga ee hinahanap ikaw pa kaya." ayuun dun ako sobrang nakonsensya. sana pala nagpaalam na ako, ee balak ko naman talaga ee kaso ayun wala hinyaan ko na lang baka kasi pagalitan ako ee. mahina kasi ako pagdating sa ganun. :( sobrang nakonsensya ako sa ginawa kong paggala ng walang paalam, napapaiyak na si mama dahil sakin, tapos ipapagawa pala ni mama ung ****napakaganda kong phone**** kanina kaso dahil nakakita siya ng classmate ko madali daw siyang umuwe dahil sakin ayun di na tuloy napagawa. asar! amp. >.< sayang. ****first time kong gumala ng walang paalam, ung takas.**** first time ko talaga toh, at ito na rin ang Last. ayaw ko na baka sa susunod di na ako papasukin ng bahay. mahirap na. once is enough. :))) ****Lesson learned.**** thank you nga pala sa mga nakasama kanina Mameng'Lhanie, Jonnababes, Macomarz & Jerica. masaya ang araw ko na ito panira lang talaga ung rifle. hahaha. imbis na onti lang dala paskit, para tuloy kaming lulusob kanina. ba man may dala kaming rifle. XD eto pa imbis na nag-aaral na ako ng hindi na mamaya, andito na naman sa tumblr. napakagaling talaga. :))) ****Ap, Physics & Health**** last exam bukas. ambilis naman. buti na lang nabawasan ng isang exam. yey! Goodluck.