natatakot ako magopen ng tumblr the past few days because alam kong makakakita ako ng posts about kuya gyno's death. medyo nasa bargaining phase pa kasi ako (kahit putangina wala namang ibabargain. wala na sya, period). ang lungkot kasi never kami nagkita in the past and he's the type of person you'd be excited to meet. sobrang gaan kausap at very open minded. every time na iisipin ko na wala na sya nagugulat pa rin ako lol tangina hindi ko maexplain ang sakit ng tiyan ko parang gusto kong maiyak. haha siguro what i feel right now mostly is nasasayangan? sayang kasi hindi ko sya nameet in person. sayang kasi hindi ko sya nahanapan ng chinita, nasamahan magpatat sa artist ko, nakulayan ng buhok gaya ng napag-usapan namin. napakabuting tao neto, wala akong masabi. taba ng utak, ang daming alam sa buhay. hay, wala lang. sayang, kuya gyno. pero sana dito na mag end yung selfishness ko sa nararamdaman kong "sayang". kasi alam ko na right now nasa magandang lugar ka na at hindi na nahihirapan. pagdarasal kita, kuya. pahinga ka maigi. kita nalang tayo soon. labyu! @pilosopogyno















