LAST NA TO
βLast na toβΒ
Yan ang paulit ulit kong sinasambit sa tuwing iniisip kita. Yan ang mga salitang namumutawi sa aking bibig sa tuwing gusto kitang madama. Yan ang mga katagang sinasabi ko sa tuwing nais kang makasama.Β
βLast na toβ
Yan ang sinabi ko nung napagdesisyunan nating maghiwalay. Yan ang mga salitang paulit ulit kong sinasabi sa tuwing tayoβy nagaaway. Yan ang dinidikta ng puso kong sawi at gusto ng bumigay.
Ngunit, mahal. Hindi ko alam kung ito na nga ba ang hulingΒ βLast na toβ ko, sapagkat, kelangan ko na talagang mamaalam. Hindi na kita kaya pang saktan.
βLast na toβ, yan ang sinabi ko sa huling pagkakataon na hinithit ko ang sigarilyongΒ paulit ulit sumusunog sa aking baga magkaron lang ng pagkakaabalahan ang aking bibig upang di na ikaβy muli pang hagkan.
βLast na to...β, peksman













