Nang mga nakaraang linggo, hindi na ako nakapagblog. Hindi ko alam kung bakit pero pipilitin kong maibahagi itong kwentong umiikot sa isipan ko ngayon. Isang paalala na hindi ako ito ngunit may nakita lamang akong inspirasyon upang gawain ko ito.
May isang batang lalaki. Ang batang ito ay nasa sa kanya na ang lahat. Ang luho, yaman at pagmamahal. Sa tuwing may gusto siya, kailangan ay makuha niya ito. Lagi siyang puno ng saya kasama ang kanyang mga mamahaling laruan at mga gamit. May mga katulong na laging umaalalay sa kanya, magarbong handa araw-araw, wala nang makakapigil sa kanya. Mahall na mahal siya ng kanyang mga magulang ngunit kapag siyaây nagagambala ng mga ito sa paglalaro ay nagwawala siya. Masakit man para sa kanila, masaya na sila na makitang masaya ang anak nila. Ngunit isang araw, isang nakapanlulumong pangyayari ang naganap. Lahat ng yaman niya ay nawala. nagising na lamang siya sa isang kalsada na punung-puno ng humaharurot na kotse at mapolusyon na hangin. Tinakpan niya ang kanyang maliliit na butas ng ilong. Pinilit niyang hindi huminga upang hindi masuka sa masulasok na amoy. Nanggagaling pala ang amoy sa tabing basurahan na kinakalkalan ng isang ale. Ang aleng ito ay punung-puno ng grasa, madumi, nangangayayat at kuba na sa kakatrabaho. Umiwas ang bata ng tingin ngunit may narinig siyang tuyong ubo sa kanyang likuran at sabay ang isang malakas na dahak. Lumingon siya at nakita ang isang lalaking nakatabon sa isang manipis at gutay-gutay na kumot. Mas payat siya kaysa sa ale. Nagulat ang bata dahil siya rin ay madungis na at napakapayat. Napansin niya ring mga magulang niya ang mga basurero.
âBakit tayo nandito, ama, ina?â hinaing ng bata.
âHayaan mo na anak, bastaât magkakasama tayo ay magiging maayos lang ang lahat.â tugon ng ale.
Umiyak ang batang lalaki at wala nang nagawa. Makalipas ang ilang araw, nakaranas din siya ng matinding kagutuman. Pilit siyang umiiwas sa pagkain ng papag sapagkat nandidiri siya dito. Ngunit sa tuwing titingin siya sa mga magulang niya na kumakain nito ay natatakam siya. Tumutulo na ang laway niya ngunit hinihigop niya ulit ito pabalik. Nang makatulog na ang lahat, dali-dali siyang bumangon at kinain ang papag. Naiiyak man siyang kainin ito, damang-dama niya ang sarap na umaalingawngaw sa kanyang bibig. Isang araw nagtanong siya.
âInay, bakit tayo nagkaganito? Mayaman tayo dati ngunit naging mahirap na tayo?â
Hindi nakasagot ang ale at nagsimula siyang himasin ang buhok ng anak niya. Nkaramdam ng tuwa ang bata. HIndi niya alam na ang haplos ng isang ina ay ganoon kainit sa pakiramdam. Agad siyang nakatulog. Ngunit nagising siya ng isang malakas na dagundong. Agad niyang ginising ang kanyang mga magulang. May tumama palang napakalakas na lindol. Para sa isang kalyeng, punung-puno ng mga humaharurot na kotse, tilaây nakikipagpatintero ka sa mga nagbabanggaan at tumatalsik na parte ng sasakyan. Binuhat ng ale ang lalaki ngunit hindi niya ito kaya. Tumakbo na lamang silang dalawa habang pinoprotektahan ang mga ulo nila.
HIndi ko akalaing napakahaba naman nitong kwento ko... Bukas ko na lang itutuloy. Inaantok na ako. Paalam.