Sa Mga Taong Umalis Nang Hindi Nagpapaalam. ---- Siguro may dahilan ... ganun na lang siguro ang dapat kung isipin. Siguro dahil ayaw na. Ayaw mo na maging parte ng buhay ko no? Boring siguro. Siguro, hindi naman kasi worth while yung pagiging parte ng buhay ko. Madami akong imperfections . Nakulitan ka ba? Nainis ka ba sa akin? May mali ba kong nasabi? May mas may sense na bang kausap at mas masarap kausap kaysa sa'kin? Siguro, mas mabait yun o kaya walang dull moments kapag kasama yung taong yun noh? O baka naman nagtatampo ka sa'kin dahil hindi ako nakakareply agad sa pm mo, Dahil minsan busy-busyhan ako. baka naman may girlfriend ka na? tapos ayaw mo na kong pansinin kasi masaya ka na ... naalala ko pa nga sabi mo dati gusto mong magmahal ng alam mong di ka iiwanan , yung hindi ka gagawing panakip butas , at hindi ka paaasahin. Naks! nakita mo na siguro no? Kung hindi, bakit? bakit hindi ka na nagpaparamdam sakin? bat hindi ka na nangangamusta? nagpalit ka ba ng number? ni hi, ni hello, o kaya kahit hoy at kahit blankong mensahe , WALA. Ang tagal na din ah. Matagal ka nang hindi nagkikwento. Nag-alala tuloy ako . May nangyari ba sayong masama? Nagka amnesia ka ba bigla? Nadulas ka ba tapos bigla mo na lang di maalala yung pangalan ko? Baka na snatch yung phone mo at di mo na naalala number ko, o baka nahack fb mo kaya di mo na nabubuksan. Ni "seen" sa message ko, WALA. Sana nga, ganun lang yung dahilan. O baka, umalis ka na sa Pinas at gustong magbagong buhay... baka may gusto kang ayusin sa sarili mo, na broken ka ba? bakit di mo sinabi sakin? Dadamayan naman kita eh . Diba nga, ako yung tagapayo mo... yung sumbungan mo kapag sinasaktan ka nya, yung nagcocomfort sayo kapag hindi ka okay ... Miss na miss na kita. Bakit bigla ka na lang umalis? Bakit di ka nagpapaalam, bakit di ka na nagpaparamdam, Alam ko hindi ka pa patay. Shit ka. Pero daig mo pa ang patay sa lungkot na bininigay mo sakin. Ikaw yung nagpapatawa sakin lagi . Ikaw yung nangungulit. Ikaw yung nagagalit pag nagpapakatanga nanaman ako, kapag may umaapi sakin, ikaw pa yung nauunang rumesbak sa isip mo lang, alam ko dahil sinasabi mo sakin. Pero bakit? bakit hindi ka nagpapaalam? Ganun ba kadali sayo ang lumimot, wala lang ba yung pinagsamahan? Yung konting kilig, pero hindi maipakita, Wala lang siguro talaga yun noh? Sa sobrang tagal mong bumalik, napapagod na kong umasa . napapagod din akong maghintay. nakakalungkot, pero siguro kailangan ko ding .... LUMIMOT. Oyyy , kakalimutan na kita ah . Nagpapaalam na ako. Narealize kong hindi ko kailangang humawak ng matagal sa isang bagay na wala na ... Babalik ka pa ba? Ayoko sana lumimot , dahil mahalaga ka sa'kin . Pero, alam mo,masakit din pala . Masakit maghintay sa wala. Paalam na ah. Kakalimutan na din kita. Kailangan ko ng CLOSURE kahit alam kong wala naman talagang TAYO. Regalo ko na to sa sarili ko. Alam kong hindi naman talaga kita makakalimutan , pero kahit yung nararamdanan ko na lang na naiwan nung nawala ka. CLOSURE. Salamat, kaibigan sa lahat. Ingat ka lagi. :)