Dahil sa dumarami na ang nagsusulputang social networking sites, dumarami na rin ang mga taong bigla-bigla na lang nakikilala. Hindi ko alam kung bakit at kung papaano. Ang tanong, sikat nga ba o feeling sikat lang?
Malaki ang pagkakaiba ng dalawa. Kung ano ang kaibahan, hindi ko rin alam. HAHAHA! Labo ‘no?! Alam ko siguro pero mahirap lang ipaliwanag. Siyempre naman! Pwedeng iba ang pananaw ko sa pananaw niyo. Pwedeng may kapareho ako ng opinyon at pwede rin namang hindi. Pero sabi ko nga sa mga mambabasa ko, lahat tayo may sariling opinyon. Sang-ayon man kayo o hindi sa mga sinasabi ko dito sa blog ko, wala na ko doon. Ang akin lang, nilalabas ko kung ano talaga ang nasa loob ko. At para sa isyung sikat at pasikat, narito ang aking opinyon.
Sila yung mga taong kilala ng libo-libong nilalang. Bukod pa doon ang mga kamag anak at kaibigan nila. Sabihin na nating kilala sila ng maraming “strangers” sa paligid. Nakakatanggap ng mga random messages sa mga taong hindi nila kilala na nagsasabing hinahangaan nila ito at kung ano pang pagpapakita ng suporta.
Numero sa listahang sikat ang mga artista. Yun bang may mga solid fans club na. Halata naman kung sikat o hindi ang isang artista hindi ba? Pag blockbuster sa dami ng tao ang mga mall shows, masasabi mong sikat talaga. Pero pag hindi, oh well. Edi hindi sikat. Ganun lang naman yun eh. Sa mga artista, pag sikat ka, bata man o matanda kilala sila. Yun ang batayan ng sikat sa panahon ngayon.
Para sa mga ordinaryong tao na sikat, pwedeng wala silang fans club pero nag-uumapaw ang followers o subscribers sa kanilang mga personal page o profile sa networking sites. Kung ano man ang dahilan ng kasikatan nila, ang mga taga-suporta na lang nila ang pwedeng magpaliwanag.
Mga taong “feeling sikat”. Yun bang gustong-gustong humarap sa maraming tao pero tanging kamag-anak at mga kaibigan lang ang nakakakilala sa kanila. Sila yung mga taong gagawin ang lahat para lang maraming makapansin. Usually, ang mga taong ito ay ang mga "haters". Puro kasiraan ng kapwa ang laman ng mga status o tweets at pag dating sa sarili, puro papuri. Yun bang palaging binibida ang sarili kahit minsan hindi naman totoo ang mga sinasabi.
Yun ang madalas kong nakikita sa Facebook at Twitter. May naglike o favorite lang feeling nila sikat na agad. Hindi ganun.
Ito na lang guys. Ang sikat, ibang tao ang dahilan kung bakit siya tinawag na sikat. Ang pasikat, sarili lang niya ang nagdeklara. Gets?! Kumbaga, self-proclaimed ang pasikat. Hindi man niya i-announce na sikat siya, mahahalata at mahahalata niyo sa isang tao kung feeling sikat lang siya.
Marami kasi akong kilalang ganyan. Para sa’kin, mas gugustuhin ko pa yung mga taong sikat na hindi alam na sikat sila. Kasi pag ganun, hindi masyadong lumalaki ang ulo. Yung iba kasi, hindi naman sikat pero kung magyabang akala mo napakarami nang achievements.
Aminin niyo man o hindi, minsan naiisip niyo rin maging kilala. Naging curious din kayo kung ano ang pakiramdam maging sikat. Oo, inaamin ko. Sumagi sa isip ko ang bagay na yan. Pero ngayon, naiisip ko na mas masarap maging ordinaryong tao. Iwas issue kasi yun. Sa panahon kasi ngayon kahit simpleng tao nakakatanggap ng paninira. Pano pa kaya kung sikat hindi ba? Kapag mas marami ang nakakakilala sa’yo, mas maraming kasiraan ang ibabato sa’yo.
Mensahe para sa mga sikat:
Huwag masyadong lalaki ang ulo. Magpasalamat kung nasaan ka ngayon. Pasalamatan ang mga taong patuloy ang suporta sa inyo. Huwag rin kayong magbabago. Tandaan niyo na hindi niyo mararating ang kinalalagyan niyo kung wala kayong taga-suporta. Wag din masyadong confident. Pwede kayong mawala sa posisyong iyan.
Mensahe para sa mga pasikat:
GOODLUCK! Kung gusto niyo maging sikat, act normal. Hindi kailangan manghila pababa. Hindi rin kailangan manira ng tao. Hindi mo ikakasikat yan. At kung sisikat ka man dahil sa mga maling gawain mo, panandalian lang yan. Mas masarap maging sikat kung pinaghihirapan mo yung bagay na ipagmamalaki mo sa mga tao. Mas masarap makilala sa mabuti at tamang gawain kaysa maging sikat dahil sa mga maling gawain. Tandaan niyo yan.