Kagabi pa ako nakakakita ng mga post na comparison ng mga kwento. I started to feel irritated. May mga nabasa na rin akong post na "stop comparing stories" but they are still doing it.
Stop comparing stories esp 'yong mga kwentong sikat na noon pa (bago ka pa mag-Wattpad) at 'yong maganda ang quality na konti lang ang reads at pinaniniwalaan mong dapat sikat ngayon.
'Wag nang pulaan ang mga sikat na stories na jeje sa Wattpad. Bakit?
1. Dahil bata pa ang mga nagsulat niyan noon. Ilang taon na ba ang nakalilipas mula nang na-post 'yan sa site? (Recent lang nauso 'yang technicalities and content issue na 'yan sa Wattpad nang magkaroon ng publishing deals ang iba.) Try reading other stories of those writers, nag-improve na 'yan. Kahit ang mga idols niyo at idols ko, dumaan din sa pagiging "jeje".
2. Sinulat lang nila 'yan dahil gusto nila, not knowing na magiging M reads.
3. Nang magsimula silang magsulat, puro emoticons ang uso. Remember HYSTG, Alyloony, Alesana_Marie etc etc days? Of course, they will follow the trend.
4. Writers are just writing. Readers are the one who read and they want that kind of stories. Jeje man, nag-enjoy ang mambabasa. Nagustuhan nila. Sino ka para pigilan silang magbasa?
There's nothing wrong with your post of promoting undiscovered stories. I am doing the same thing. I know maaany good writers whose stories are hidden like treasures. But you can do this without bashing the famous ones. Without asking why they (the writers and the stories) have to be famous or why they have to get an offer to get published.
Respect the writers. Do not compare. For you will not like it if you are on the writer's place.
Consider both sides of the issue.
Wala namang kasalanan ang writers. Sumikat ang stories nila. They're thankful!
And please, don't ever ask "Bakit sikat ang kwento na 'yon na jeje blah blah blah samantalang ang akin (o 'yong sa kaibigan ko) well-narrated at parang foreign novels tapos wala man lang hundred o thousand reads?!" Tapos gagatungan pa ng iba.
Isa lang kasi ang sagot do'n.
May readersss sila. Marami. Nagkataon lang na 'yong sa 'yo, konti lang. Bakit? Kasi 'yong nga sinusulat nila (kahit jeje) ang gustong basahin ng karamihan. Majority always wins.
Pero dahil sasabihin natin na opinion lang naman natin ang pinopost natin at wala namang masama roon, fine.
But stop comparing. Please stop. Maliban na lang kung contest entries 'yan (na hindi naman).
And for everybody's information, I am not talking about myself here. Hindi kwento ko ang naikumpara. But I am hurt for the writer kahit hindi ko kilala kung sino ang nagsulat ng kwentong kinukumpara ng iba. I am speaking in a normal Wattpadder's POV.
And I just feel like posting this.