Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality
Anya is LIVE right now
FREE
Free to watch • No registration required • HD streaming
Mga sampung minuto nang naghihintay sa mga yabag ng kanyang lola ang musmos na nakatago sa sala. Nakasiksik sa ilalim ng mantel ng center table si Jahred, at nakasubsob ang namamawis niyang pisngi sa sahig upang maisilip ang pasilyo sa kusina. Nawawalan na ng pakiramdam ang mga binti at braso niya, at ang tangi niyang naririnig ay ang sariling paghingal, ang maingay na uga ng pinto sa harap ng bahay, at ang pag-tak, tak, tak ng orasan.
Dahan-dahan niyang iniangat ang luntiang mantel ng lamesang taguan. Siguro ay alam na ni Lola Orla na nandito siya, kaya hinihintay na lang nito na lumabas siya. Hindi naman niya siguro makakalimutan ang sinabi ni Jahred sa tawagan nila kahapon, na sumobra man ang init o bagyo, walang makakapigil sa kanya na makita ulit ang impo. Siguro’y alam na ni Lola ang mismong hiding place niya, at bilang pagbawi sa planong pambubulaga niya, binuksan na ang pintuan para makapasok siya agad sa bahay, at tinaguan din siya nito sa likod ng lamesa! Sabik na lumingon ang bata sa kanyang likuran, ngunit wala naman siyang nakitang mga paa. Sumimangot na lang siya at tumayo. Nasaan nga ba si Lola Orla?
Tuwing bumibisita ang pamilya ni Jahred sa bahay ni Lola, palagi nila itong nakakasalubong sa pinto. Pagkapasok nila sa sala, agad nilang naaamoy ang iba’t ibang pagkain sa kusina, tulad ng bagong hurnong banana bread, piniritong longganisa, o kaya naman isang malaking kaldero ng umuusok na arroz caldo. Sa unang segundong makita niya ang kanyang apo, agad na lumalapit si Lola Orla kay Jahred upang tanungin ang kalagayan niya, pati rin ang kalagayan ng kanyang mga kaibigan sa paaralan, at kung gusto na niyang kainin ang mga paboritong pagkain nila nang magkasama. Mula sa pintuan hanggang sa hapagkainan o sa bakuran, hindi na sila mapaghihiwalay hanggang sa oras ng pag-uwi, at paminsan-minsan pa nga’y binibitbit siya nito patungo sa palaruan o simbahan. Hindi siya pinapakawalan ng kanyang impo noon, kaya gano'n na lamang ang pagtataka niya na ngayong ilang linggo silang hindi nagkita ay wala man lang ito para salubungin siya.
Tumingin siya muli sa orasan at pinunasan ang noo. Pumatak ang mga kamay sa alas dos y media. Noong tumakas siya sa bahay habang nagsi-siesta ang kanyang nanay, alas dos pa lang ang nasa orasan. Gising na kaya siya ngayon? Nakalimutan niyang mag-iwan ng note para sabihin nasa kabilang dulo siya ng baranggay nila ngayon. Naisip niya na baka nagsisiesta rin si Lola kaya wala pa siya sa sala. Dapat siguro ay gisingin niya si Lola para masorpresa siya nang husto! Pinunasan muli ni Jahred ang mukha niyang namamawis bago tumakbo papunta sa kuwarto ng kanyang lola, ngunit sa kanyang pagtakbo ay nadulas siya sa basang lapag na may basag na pitsel. Napadapa ang musmos sa sahig at nagalusan ng mga pinong-pinong bubog ng pitsel.
“Aray!” Hinawakan ni Jahred ang binti sa sakit ng natamong sugat. Dati pa siyang sinasabihan ng kanyang mga magulang na tigilan ang pagtakbo sa loob ng bahay, dahil siguradong may masisira siyang kagamitan. Tinitigan niya ang dumudugo niyang sugat bago tinignan kung narinig ng kanyang lola ang komosyon. Walang dumating na yabag. Ganoon ba kalalim ang tulog niya ngayon, na hindi siya nagising sa parehong pagbasag na gamit at sigaw ng apo? Kumunot ang noo ni Jahred at pinagpag na lang ang kanyang mga kamay, binti at paa. Kailangan na rin niyang bumalik sa pinto para kumuha ng tsinelas, para hindi rin magalusan ang paa niya. Pumunta siya sa harap ng bahay, kung saan nakakalat ang iba’t ibang laki ng tsinelas.
Teka, napatumba niya ba ang mga ito kanina noong pumasok siya sa sala? Nakakalat lang sila roon habang nakabukas ang pinto sa bahay. Hindi niya napansin ang mga ito kanina dahil mas nagulat siyang bukas na ang pinto. Wala rin namang ibang tao sa loob ng sala ngayon, hindi ba? Lumingon si Jahred sa likod niya, ngunit tulad ng kanina, wala naman siyang nakitang kasama. Siguro’y inaayos na lang ng lola ang koleksyon niya ng sapatos, at tinitignan lang nito kung alin ang ipapamigay at itatabing tsinelas para sa bisita. Siguro rin ay binuksan na niya ang pintuan para makapasok ang hangin mula sa labas. Naalala niya ang usapan ng kanyang tatay at ni Lola nitong linggo, kung saan ikinuwento ni Lola Orla na nasira na ang kanyang bentilador. Matapos ang kanyang pag-iisip, mabilisan niyang kinuha ang tsinelas na sakto sa paa kanya at itinabi ang ibang mga pares na nakaharang sa pintuan. Sinarado din niya ang pinto para walang ibang makapasok habang nandito siya.
Halos patakbo siyang pumunta sa kuwarto ng kanyang lola kahit na sumasakit ang paa niya sa bawat hakbang, ngunit ang tanging bumati sa humihingal na musmos ay isang madilim na silid. Kinapa-kapa ni Jahred ang pader pero hindi niya mahanap ang switch ng ilaw, kaya pinili na lang niyang hawiin ang mainit na kurtina. Sa ilalim ng sinag ng araw, nakita niya na wala rin si Lola Orla sa kama. Pero kung ganoon, hindi rin puwedeng nasa kusina siya, dahil siguradong maririnig ni Lola Orla ang pagbasag ng pitsel sa sala. Nasa banyo ba siya ngayon?
Naglakad naman siya ngayon tungo sa kusina, at binuksan ang gripo sa lababo upang mahugasan ang kanyang galos. Habang pinupunasan niya ang kanyang binti ay sinubaybayan ang kanyang paligid. Wala ring tao dito, at hindi nakasara ang pintuan ng banyo. Sa kanyang pagtingin-tingin, napansin niya ang bintanang katapat ng bakuran ni Lola Orla. Sa tabi ng mga pader nito, nakita niyang kumukurba ang hangin sa ibabaw ng mga sasakyan, at napakunot ulit ng noo si Jahred. Ito ba talaga ang nangyayari sa labas noong kinansela ang pasok nila nang ilang linggo? Tumingin naman siya ngayon sa pintuan ng bakod ni Lola. Ika-ikang naglakad ang bata habang binubuksan ang pintuan sa likod-bahay.
Napapikit si Jahred sa silaw ng araw noong lumabas siya sa bakuran. Mainit ang buga ng hanging umiihip mula sa kalye, at ang ibang gamit ni Lola Orla ay nakababad sa nakakapritong init, tulad ng mga upuan at paso ng damong gamot, pati rin ang ilang binibilad niyang damit pambahay at bedsheet. Lumingon-lingon si Jahred upang mahanap ang kanyang lola, ngunit tuwing may naaaninag siya sa likod ng mga tela, nabibigo lang siya dahil wala namang tao sa likod nito. Nakakasagabal din sa kanyang hakbang ang nakuhang sugat kanina. Nang makaramdam na siya ng hilo sa paglalakad, malungkot siyang bumalik sa loob ng bahay.
Walang ibang tao sa bahay kung hindi siya, pero maraming mga tsinelas sa harap ng bahay, at nakabukas ang pinto noong dumating siya. Wala siyang napansin na maaaring ninakaw, pero may basag na pitsel sa sala. Napahamak ba si Lola? Ano bang gagawin niya ngayon? Napaupo at nagsimulang humikbi ang musmos habang niyayakap ang mga tuhod. Dapat siguro ay bumalik na siya sa bahay para humingi ng tulong. Tumahan siya at tumayo na muli para bumalik sa kanyang nanay. Paalis na siya nang may kumalembang na gate mula sa kabilang bakod. Napatalon siya sa tunog at nakita niya ang kapitbahay ni Lola na si Manong Rayo na sumisilip sa ibabaw ng pader.
“Huy! Ikaw ang apo ni Orla, hindi ba?” ang tanong ng matanda.
Mabilis na pinunasan ni Jahred ang mukha at tumakbo papunta sa bakuran, sabik sa bagong kausap. “Opo, ako po ‘yon!”
“Ha? Eh ‘di ba bawal kayong lumabas kasi may heatwave ngayon?”
“Ah, opo…” Napakamot na lang si Jahred ng ulo sa kanyang pagkahiya. Mga ilang linggo na siyang hindi nakakabalik sa klase dahil sa minandatong online classes, at ang pinlanong salusalo nila para sa kaarawan ni Lola Orla ay hindi na natuloy, dahil baka raw mapahamak ang bata kung sila ay lumabas nang kahit saglit.
“Gusto ko lang naman pong makita ulit si Lola, pero nawawala po siya.”
“Ah, nahimatay kasi siya kanina.” Lumingon si Manong Rayo sa likuran ni Jahred, habang nakatitig naman sa kanya ang bata na takot na takot. Sa isip ni Jahred, Napahamak pala talaga si Lola!
“Po?!”
“Oo, nitong alas onse lang. Narinig kong may nabasag sa bahay niya, at dinala si Orla ng mga kumare niya sa Health Center matapos. Na-heatstroke yata! Hindi ba naman binubuksan ang bintana. Ayan tuloy!” Napakibit-balikat na lang ang manong, at pinakitid ang mata sa direksyon ng musmos. “Bilhan niyo na kasi siya ng bagong bentilador.”
Tila maiiyak na ulit si Jahred sa kanyang narinig. Si Lola, nasa Health Center? Nasaan iyon at ano ang direksyon?! Pinunas niya muli ang kanyang noo. “Manong Rayo, saan ko–”
“BULAGA!”
May biglang humawak sa mga balikat ni Jahred, at napatalon muli ang musmos. Lumingon si Jahred sa nakahawak sa kanya, at nakita niya ang kanyang ama na mukhang galit na galit habang inaayos ang pamamayong kay Jahred at an nakadikit sa kaniya. Lumingon naman si Jahred sa mukha ng nakahawak sa kaniya, at nakita niya ang mukha ni–
“Lola Orla!” Halos sinunggaban ni Jahred ang impo habang umiiyak. Mabilis na binitawan ng kanyang ama ang hawak na payong at ice cream sa tabi para masigurong hindi sila matumba. Ngumiti ang lola at ibinalik ang mahigpit na yakap ng apo.
“Jahred, apo, na-miss kita! Bakit ka umalis sa bahay niyo nang walang paalam? Tumawag sa akin ang Nanay mo habang nasa Center kami! Gutom ka na ba? Pumasok na tayo sa loob bago ka rin magkasakit dahil sa init–”
Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang impo ay mas humigpit ang kapit ni Jahred sa baywang ng kanyang lola habang hinahaplos nito ang ulo niya. Inakay siya ng kanyang lola pabalik sa loob ng bahay. Matindi pa rin ang hagupit ng init ng araw, ngunit ang tanging init na nararamdaman ni Jahred ay nagmula sa pagyakap nila ni Lola Orla.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality
Anya is LIVE right now
FREE
Free to watch • No registration required • HD streaming
Sa ilalim ng bubong nina Aling Adela, tinitigan nang maigi ni Ligaya ang mukha ng pinsan niya.
Isang kunot na noo. Dalawang namamagang mata. Isang simangot sa nanginginig niyang mga labi, at mga pisnging namumula. Sinubukan niyang hawiin ang buhok ni Isay, ngunit itinulak agad nito ang kanyang braso. Umasim din ang mukha ng dalagita, at inalog nito ang bata.
“Huy. Magsalita ka na. Ba’t ka galit? Huy–” Hindi tumingala ang kanyang pinsan, pero rinig ni Ligaya ang mahihina nitong hikbi. Nakikinood lang siya ng cartoons sa sari-sari store ni Aling Adela noong narinig niyang nag-aaway ang mga batang kapitbahay, at nakita niyang nagdadabog si Isay palabas ng bakuran nila. Hinila na lamang niya ito upang matanong ang nangyari. Pero ilang minuto na itong hindi nagsasalita, at muntik pa nitong masuntok si Ligaya habang umiiyak. Ngayon lang ito huminahon nang kaunti, pero napagod na si Ligaya sa kakatanong. Natapos na ang episode na pinapanood niya, at pinalitan na ni Aling Adela ang channel. Ang sarap manapak! Tatlong araw pa lang sina Isay sa Indang, pero nanggugulo na siya. Hinigpitan ng dalagita ang kapit sa pinsan upang hilahin pabalik sa bahay.
“Sige. Ayaw mong magsalita? Sige! Sasabihin ko kay Tita na nagrambulan kayo. ‘Di ka na palalabasin ‘nun.” Noon lamang tumingala si Isay, at nanginginig itong pumiglas at sumigaw— “Ayoko! Gusto ko pang maglaro!”
“Kasi–” tumulo muli ang luha ng bata, at nahirapan ulit siyang magsalita. “Kasi—!” Lumakas ang kanyang hikbi habang pinipilit sabihin ang dahilan sa pagdadabog. “Nata—natalo ako sa—sa langit-lupa!”
‘Ha? Iyon lang ba?’ ang inisip ni Ligaya. Pero binitawan niya muna ang pinsan at hinagod ang likod matapos magbuntong hininga. “Tahan na, huy.”
Lumingon siya sa direksyon nina Totoy, na naglalaro na muli sa kabilang bakod. Ang liksi nilang tumakbo sa iba’t ibang sulok ng hardin! Kung siya ang hahabol sa mga ‘yon, maiinis din siya. Bumalik ang tingin niya kay Isay at hinawi ulit ang buhok nito, at hindi na siya pinigilan pa ng bata. “Kakabili ko lang ng puto seko, gusto mo ba? Kumain ka na muna.” Tumango na lang si Isay at umupo sa kawayang upuan sa harap ng sari-sari store. Tumitig muli si Ligaya habang sumisinok na sinubo ng pinsan ang biskwit, at dahan-dahang kumalma habang nginunguya ito. Pinahid ni Isay ang kanyang mga luha at tumitig sa kawalan.
“Okay ka na?” tanong ni Ligaya. Tumango lang siya. “Nagalit ka ba kanina kasi hindi ka makataya?” Napatigil si Isay, pero tumango siya ulit. “Nang-aasar ba sila ‘don? Puwede ko namang sabihan, eh.” Iling naman ang sinagot ng bata bago isinubo ang pangalawang puto seko. Kumunot ang noo ng dalagita, at dahan-dahang umupo sa tabi ng pinsan.
“Alam mo, wala namang masama kung matatalo ka. Mabait naman ‘yung mga ‘yon, makukulit nga lang.” Hinagod niya ulit ang likod ni Isay at kumuha na rin ng puto seko, ngunit bahagya itong nadurog noong inilabas niya sa butas ng plastik. “Wala rin namang masama kung sa bahay ka na lang maglaro. Masaya naman sina Lola kasi nandito kayo nina Tita.” Tumango muli ang pinsan, pero mukhang hindi na ito nakikinig. Napabuntong-hininga si Ligaya. Hindi pa ba inspiring iyon? Nakakainis naman.
Nasa gitna ng pag-iisip ang dalagita noong tumingala na ulit si Isay, at hinatak nito ang braso niya. Tuyo na ang mga mata nito. “Ate, gusto ko pang maglaro.”
“H-ha? Oh sige.”
“Ayoko sa bahay.”
“‘Sus, hindi ka naman namin kinukulong,” ang nakasimangot na sagot ni Ligaya. Yumuko ulit ang pinsan niya, ngunit nagpatuloy sa pagsasalita. “Wala akong kakilala dito.”
“Eh sina Totoy?”
“Baka ayaw na nila sa ‘kin—”
“Mag-sorry ka na lang. Sasamahan kita mamaya, gusto mo?”
Tumayo na si Ligaya mula sa kawayan at iniunat ang mga binti, at matapos ang ilang sandali ay iniabot ang kamay kay Isay. Lumingon ito sa direksyon nina Totoy at umiling.
“Paano kung hindi nila tinanggap?”
“Eh ‘di nakapag-sorry ka pa rin. Hayaan mo na lang pagkatapos.”
“Paano kung magalit ulit ako? Baka maiwanan ako ulit…”
Ramdam ni Ligaya ang kaba sa boses ng bata, ngunit hindi niya binaba ang kamay niya. “‘Di ko alam. Manipa ka ng damo, kumain ka ng baon mo. Hintayin mong mawala ‘yung inis bago ka makilaro ulit kina Totoy.”
Hindi sigurado si Ligaya kung may kuwenta ang pangaral niya, pero malaki ang ginhawa niya noong tinanggap na ng pinsan ang kanyang kamay. Hinila niya ito pataas at pinaspas ang alikabok sa shorts nito.
“May singko pa ‘ko rine. Gusto mo bang bilhan sila ng kendi?”