May 15, 2015 Sa pamamagitan ng isang tulang bitin Ikaw ay aking babatiin. Ngayong espesyal na araw mo Hayaan mo akong magkwento Tungkol sayo, para sayo. Wattpad Anon Yan ang pakilala mo noon Naaalala mo pa ba yun? Nung sa blog ko ikaw napadpad Sinabi mong magsulat ako sa wattpad Bumilib ka kasi sakin, omaygad! Binasa mo ang mga posts ko Umabot ka hanggang dulo Bilib din naman ako sayo. Nireblog mo halos lahat Hindi ka nagpaawat Doon maraming salamat. Nag umpisa tayong magusap Nagpalitan ng mga pangungusap Pati ng mga simpleng wats’up! Tinanong ko kung san ka sa Pinas Sabi mo taga ciudad de las sonrisas Bacolod pala, punyemas! Ayaw mong ina-ate Sabi mo nakakatanda kasi So tinawag kitang Lotskie. Michaela, Bea, Beatrice o ano Mikay pa nga dati bansag ko sayo Hanggang sa naging mag-B na tayo Sabi mo napapa-smile kita Minsan nga kinikilig ka pa Girl crush mo pa nga ako diba? Hindi ko alam kung bakit Isa lang naman akong hamak na bubwit Pero sakin sobra mong bait. At neto lang Marso Buwan ng kaarawan ko Nag abala ka pa talagang magregalo. At ngayon Sa ikalimang buwan ng taon Hindi ko papalagpasin ang pagkakataon. Maligayang kaarawan Pagbati kong walang pakundangan Salamat sa pagkakaibigan! Sana ay maging masaya ka At isang hiling ko pa Pataba ka ha, Bea? Lagi kang mag iingat Kumain ng sapat Pakabuti ka lagi dapat. Etong pagbati kong mula sa Luzon Sana dyan sa Visayas ika'y matunton Pagpalain ka nawa ng Panginoon. Masaya akong nakilala kita Pagkakaibigan nating dalawa, Naniniwala akong magtatagal pa. ACDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ Nawawala yung letter B Madalas kong nami-miss kasi. B BB BBB BB B unseendimple