Letter #351:
 Dear Jun,
Merong masasaktan sa ginagawa mo. Biruin mo yun, pilit mong binubuhay yung sirang tiwala ko sa iyo. Dre, kung pinaglaban mo lang sana ako, hindi na ako lalayo sa iyo pero wala na eh. Pinili mo siya meaning tapos na yung role ko sa iyo at siya ang kapalit ko. So paano ba yan, wala na yung mahigpit, clingy, selosa, war freak, pranka, masungit at tamad pero sobrang magmahal mong gf to the point na handa siyang magpakatanga para sa iyo.
Huwag mo na hanapin yung dati kong ginagawa sa iyo dahil gawin ko man yun, hindi na yung tulad ng dati dahil ang daming nagbago mula nung araw na yun. Pwede tayong magkaibigan.. tayong tatlo actually, ok lang sa akin yun kasi tanggap ko na na hindi ako yung pinili mo at… pagod na rin akong ibalik yung dating tayo.
-unpretty















