Bata pa lamang ako nang dumadalaw kami sa kampus ng UP Diliman. At kapag sinabi kong bata, ang gusto kong maisip ninyo ay lilang Minnie Mouse na t-shirt, mala-Christmas ornament na pantali’t clip sa buhok, at makukulay na Crocs na parang paa ni Squidward kung tumapak sa makinis na lapag. Naalala ko na halos pare-pareho naman ang ginagawa namin kapag nandoon kami—maglalakad-lakad sa Academic Oval, uupo sa bench ng Sunken Garden, pupunta sa Shopping Center para sa ice cream ng FIC. Naaalala kong ibinubulong ni Daddy sa aking munting mga tenga, “dito ka mag-aaral, dito ka tunay na mabubuhay.” Hindi ko pa alam noon na ang lugar na iyon ay matagal nang may sariling direksiyon—tulad ng isang mirasol, tahimik na nakaharap sa liwanag.
Pinag-eksam nila ako para sa UPIS sa sumunod na taon. Ilang buwan akong nagpraktis magtali ng shoelace at ng mabilisang pagsagot ng mga tanong. Naaalala ko noon, wala pa akong masyadong pakialam; wala pa akong masyadong alam.
Kung alam ko lang noon na ang eksamen na iyon ang magbabago ng buong buhay at pagkatao ko, siguro hindi ako naging ganoon ka-kampante. Paglabas ko, napasigaw ako ng “ang dali naman nun! ang tagal kong naghanda para doon?” Hindi ko naintindihan kung bakit mali ang sinabi ko’t binatukan ako ng tatay ko. Hindi ko naintindihan kung bakit naiiyak ang mga magulang ko nang lumapit kami sa nakapaskil na papel sa gate ng 7–12 Building. Hindi ko alam kung bakit ang higpit ng yakap nila at panay ang halik nila sa aking mga pisngi. Basta ang alam ko, masaya ako na masaya sila—parang isang mirasol na kusa na lang sumusunod sa liwanag, kahit hindi pa nito lubos na nauunawaan kung bakit.
At doon nagsimula ang lahat.
Dito ako natutong maghintay sa ilalim ng araw, habang dahan-dahang umiikot ang mga dilaw na bubong ng Ikot jeep—paulit-ulit, parang walang katapusan. Tila mga talulot na hindi napapagod humarap sa hindi-nagbabagong liwanag. Dito ako natutong maglakad nang mag-isa sa Academic Oval, na para bang bawat ikot ay may dinadagdag sa kung sino ako—unti-unting pag-ikot ng ulo, paghahanap kung saan ba talaga nakapuwesto ang araw. Dito ako unang natakot, unang napahiya, unang bumagsak—at dito rin ako unang bumangon.
Nagbago ang kampus habang lumalaki ako. Ang Shopping Center na dati kong tinatakbuhan para sa ice cream ay nawala at napalitan ng bago—mas maliwanag, mas maayos—pero iba, tulad ko. May mga bahagi ng sarili kong nasunog, napalitan, naayos. Pero may mga bagay na nanatili—mga ugat na patuloy na kumakapit sa lupang kinalakihan ko, pilit hinahanap ang sustansiya ng liwanag.
Tulad ng tahimik na dasal sa loob ng kapilya.
Tulad ng mga gabing napapatingin ako sa Oblation, nakatayo, nakabukas ang mga bisig—parang araw na hindi maabot pero kailangang sundan.
Tulad ng mga mirasol tuwing Hunyo, nakahanay sa University Avenue, nakaharap sa araw, walang ibang alam kundi ang sumunod.
Sabi nila, ang mirasol ay simbolo ng pag-asa at katapatan—palaging sumusunod sa liwanag, kahit saan ito mapunta.
Minsan nag-aalinlangan ako kung ganoon din ba ako—o talagang may tunay na hangganan lang ang kaya kong sundan.
Dahil ngayon, papalapit na naman ang isang eksamen. At sa pagkakataong ito, hindi na ako yung batang sumisigaw na “ang dali naman nun.” Hindi na ako yung walang pakialam. Ngayon, alam ko na kung ano ang nakataya—kung gaano kabigat ang pagharap sa liwanag kapag alam mong maaari ka nitong talikuran.
Labindalawang taon.Labindalawang taon ng pag-ikot, ng paglaki, ng pagkabuo—labindalawang taon ng dahan-dahang paglingon sa iisang direksiyon.
Paano kung hindi ako makabalik?
Paano kung, sa unang pagkakataon, hindi ako tanggapin ng lugar na matagal ko nang tinatawag na tahanan?
Paano kung mapilitan akong humarap sa ibang araw?
Nakakatakot isipin na baka matapos ang lahat sa isang listahan na nakapaskil ulit sa pader. Na baka, sa pagkakataong ito, hindi na ako kasama.
Gusto kong manatili.
Kailangan kong manatili.
Pero hindi humihinto ang oras.
Hindi naghihintay ang mga mirasol.
At pagdating ng Hunyo, muli silang tutubo sa gilid ng daan—nakaharap sa araw, tahimik, matatag, na tila bang ginagabayan ang mga estudyanteng pauwi. Hindi sila nagtatanong kung saan sila dapat tumingin. Hindi sila nagdadalawang-isip.
Iniisip ko kung saan ako tatayo ngayon.
Kung ako ba ay isa sa mga uuwi,
o isa sa mga maiiwan—nakapako sa lupa, pilit hinahanap kung saan ang liwanag ko.
Pero marahil, kahit saan ako dalhin, dala ko na ang lugar na ito. Dala ko ang direksiyong itinuro nito—ang tahimik na paglingon, ang matigas na pananatili, ang walang-sawang paghahanap sa araw.
Dahil dito ako hinubog.
Dito ako natutong mabuhay.
At marahil, kahit anong mangyari—
sa lahat ng takot, sa lahat ng pagdududa—
mananatili ang isang bulong sa loob ko,
mahina ngunit matatag, tulad ng mga mirasol na patuloy na nakaharap sa liwanag:
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality
Anya is LIVE right now
FREE
Free to watch • No registration required • HD streaming
tags: canon universe, future fic, jealousy, misunderstandings, getting together, sae pov, rin pov, karasu is a rinsae shipper, forced proximity
--
Sae and Isagi are getting handsy on the couch and Rin's sick of seeing it, so he storms off. Karasu follows him, finds him hiding out in the closet, and makes the mistake of closing the door behind him, subjecting Rin to an indefinite period of crow-squawking and…other things.
Anya is live and ready to show you everything. Watch her strip, dance, and perform exclusive shows just for you. Interact in real-time and make your fantasies come true.
✓ Live Streaming✓ Interactive Chat✓ Private Shows✓ HD Quality
Anya is LIVE right now
FREE
Free to watch • No registration required • HD streaming