KWENTONG KWARANTIN #61
Namili na ako ng mga ilang gamit at pagkain na babaunin sa Martes. Syempre, sangkatutak ang kape, mahirap na. Nag-umpisa na rin akong magbalot ng mga damit. Mukhang matatagalan akong stay in sa site eh. Kala mo naman sa abroad pupunta. Haha.
Napadaan ako sa @jollibee. Bumili na rin ako ng tuna pie.
Ginataang tulingan ang ulam namin kaninang lunch. May nabili kasi akong coco mama kahapon. Pinaubaya ko lang sa kapatid ko ang pagluluto dahil hindi ako marunong sa mga gata-gata. At 'yun na nga, sarap na sarap ako sa ulam naming ginataan. π
'Yung natirang gata, ipinalagay ko sa champorado na dinner namin ngayon. Naalala ko kasi, may nagcomment sa post ko noon na mas masarap kung lalagyan ng @cocomamaph gata ang champorado. Hindi syempre mawawala ang tuyo. Ang magiging tanong na lang ay kung powdered milk ba ang gusto mo o evaporated milk?
Linggo, 17 Mayo 2020

















