gojo os filo
nakatayo si gojo sa labas ng pinto mo, may hawak na bulaklak, at basang basa ng ulan.
“antagal kong tiniis, yn. ang tagal kong tiniis na wala ka sa piling ko. mula pag gising ko hanggang sa pagtulog, hinahanap ko ang kung anong naging akin.” iyak niya, pero di mo alam kung ulan ba o luha ang nalalaglag sa kanyang pisngi.
“di ko alam. di ko alam bakit kita nasaktan. di ko alam bakit hindi ko nakita noon. hindi ko alam bakit hinayaan kitang umalis, at hindi manlang ako nagbago para sayo.” dagdag niya. di ka makagalaw sa gulat. tuwa ba nararamdaman mo, o lungkot? dapat ka bang masaya na bumalik siya, o masaktan kasi ngayon lang niya nakita ang pagkakamali niya.
“yn-“ “satoru.”. Hindi mo man makita ang kanyang mga mata, ramdam mo ang bigat ng tingin na dating sayo. ang tingin na para sayo at sayo lamang. ang tingin na makikita mo ang kagandahan ng buong himpapawid at kalaliman ng dagat kahit sa isang siglap lamang.
“bakit ka bumalik, satoru?” “di ko kayang wala ka, yn. nagkamali ako, at hindi ko alam kung anong katangahan ang meron ako na ngayon ko lang nakita ang pagkakamali ko.” iyak niya muli.
“alam mo ba bakit ako umalis?”
“kasi nagkamali ak-“
“dahil hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng sorry.”
tumahimik lang siya, biglang nanghina ang kanyang katawan.
“ang mas masakit yung hindi moko pinakinggan kahit isang beses. na parang hinintay mo muna akong umalis bago moko hinabol. putangina talaga, satoru. “ iyak mo, sabay tawa. tinaas ni gojo ang kanyang kamay para hawiin ang buhok na nalaglag sa muka mo, pero inunahan mo siya bago pa siya makalapit.
“umuwi ka na, satoru-“
“yn, parang awa mo-“
“satoru.”
“please, yn. hindi-“
“satoru. tama na, please. pagod nako.” sabi mo, sabay sarado ng pinto.
hindi mo na tinignan kung umalis ba siya at dumeretso ka na sa kwarto mo. patuloy lang ang pagbagsak ng iyong mga luha na kasing lakas ng ulan sa labas ng bintana. hindi mo na namalayan at nakatulog ka na.
kinabukasan, nagising ka ng maaga at nag ayos para sa trabaho mo. pinulot mo yung baunan mo at dumeretso na sa pinto.
nang buksan mo ang pinto, nakita mo si gojo, tulog at nakahandusay sa tapat ng pinto, hawak parin ang bulaklak.
“s.. satoru..” bulong mo sa sarili, gulat na hindi pala siya umuwi at piniling matulog sa labas, naghihintay.
anong gagawin ko? hindi pwede na iwanan ko lang siya dito, di naman ako ganon kasama. pero, pag iniwan ko siya dito, mahahanap din naman siya nila ryomen at maiuuwi sa kanila. putangina naman, satoru. pinapapili mo nanaman ako.
sinubukan mo siyang gisingin, pero hindi parin siya dumidilat. napaisip ka kung buhay ba siya o patay na eh. napagtanto mo na buhatin nalang siya papasok at ilapag sa sofa.
“Boss, di po ako makakapasok ngayon-“ “Bakit nanaman, yn? Naka dalawang absent ka na nung isang linggo, pati naman ngayon?” “Boss, unang absent ko palang po to ngayong linggo, tsaka nagka emergency po.” “Aba. Basta siguraduhin mo, yn, na wala ka nang absent ngayong buwan, ah. Isang absent mo pa at di na kita irreccomend para sa promotion na gusto mo!” “Opo, boss. Salamat po at pasensya na po sa abala-“ CLICK.
“di pako tapos, eh.” tawa mo sa sarili bago bumalik ang tingin mo kay gojo na tulog padin sa sofa.
“anong gagawin ko sayo, satoru?” bulong mo, sabay himas ng kanyang ulo.
tinitigan mo lang siya ng maigi. ngayon mo lang napansin ang mga sugat niya sa muka, na halos kakatuyo lang. Humaba ang buhok niya, ang bangs niya halos umabot na sa ilong niya. ang ilalim ng mata niya, mas lalong lumubog at nangitim. habang nakatitig, nahuli mo ang sarili mong nakangiti. naaalala mo ang kasiyahan niyo noon, na parang walang ibang tao sa mundo kundi kayo.
“minahal kita ng wasto, satoru. binigay ko ang lahat ng akin, lahat ng makakaya ko. pero bakit kahit anong gawin ko, hindi sumapat sayo yun. mas lalo lang lumalim at nangmanhid ang sugat dahil parang wala kang pakialam sakin. kinaya mo para sa iba, pero sakin hindi mo manlang sinubukan.”
gusto mo man siyang balikan, yakapin, at halikan, nananatili parin ang sakit sa isip mo. pinili niya kung ano ang gusto niyang panatilihin, at hindi ikaw iyon.
nadala ka nalang sa luha nang maalala mo yung sinayang niya, at ang sinayang mo para sa kanya.
dahan dahan kang tumayo para bumalik sa kwarto mo, nang biglang may humawak sa kamay mo.
“yn. sorry.” binulong ni gojo, na halos hindi mo na marinig. tumalikod ka muli at nakitang bukas na ang kanyang mata.
“please, yn.” narinig niya kaya sinabi ko?
“di ko talaga sinasadya na saktan ka. patawarin moko. kahit isang chance lang ibigay mo saken, yn. please na” paawa niya.
tinitigan mo lang siya, nakalutang parin ang sakit sa puso mo. gusto mo siyang patawarin, pero bakit parang di mo kaya?
“sorry, satoru.” sabi mo nung hinatak mo ang braso mula sa hawak niya.
pumasok ka sa kwarto at humiga ulit sa kama.
bakit ba kasi siya bumalik? okay nako eh, gumaling nako eh. ang hirap mamili kung ano dapat gawin ko. ayoko masaktan ulit, pero ayoko din mabuhay na may paghihinayang sa puso.
hindi mo napansin at nakatulog ka ulit sa pagod sa pag iiyak.
“putangina, yn. ang lakas ko sa domain pero sayo, ang hina-hina ko. ano bang ginawa mo saken?” patawa niyang sinabi habang hinihimas ang muka. tumayo na si gojo at umalis ng condo mo. hindi na niya naisipan puntahan ka sa kwarto, dahil alam niyang kailangan mo ng panahon bago kayo mag usap ulit.
pagkatapos lumipas ng ilang oras, nagising ka na ulit. lumabas ka sa kwarto mo at nakita mong wala na si gojo.
“umalis na siya..” pabulong mo sinabi sa sarili mo.
pinag-isipan mo ng matagal at mabuti ang sinabi ni gojo. mayroon ka pa bang mawawala, pagkatapos mo ibigay lahat sa relasyon nyo noon?
kahit may oras pa na makakahabol sa trabaho, nanatili ka nalang sa condo.
sa pinakamalalim na parte ng puso mo, gusto mong syang tanggapin ulit. gusto mong kalimutan lahat ng ginawa niya sayo, na kahit sobrang sakit, mapagbibigyan mo siya. pero ramdam mo na binabastos mo sarili mo. nagpakalakas kang umalis, tapos babalik ka din pala. kahit anong piliin mo, nasasaktan ka. nasasaktan ka sa gagawin mo, sa pag-alis mo, sa pag pili.
bakit ba mahal na mahal ko parin siya?
kinabukasan, pumasok ka na ulit sa trabaho.
mabagal dumaan ang shift mo, na parang ambagal mawala ng araw at lumitaw ng buwan.
pagbaba mo galing sa floor niyo, nilapitan ka ng receptionist at guwardiya.
“yn! nandito ka pa pala! may naghihintay sayo sa labas.” sabi ng receptionist, alalang-alala.
“oo! kaninang umaga pa nandito yan! lalapitan ka sana niya, e dere-deretso kang pumasok sa building, di ka na niya nakausap.” tuloy ng guwardiya.
ng pagsilip mo sa pintuan, nakita mo si gojo, nakatayo lang sa gilid ng entrance. pawis, pagod, mahina, di mapakali.
“salamat po sa pagsabi sakin. ako na po bahala. ingat po kayo pauwi.” sagot mo at lumabas ka na.
“satoru-“ “yn! parang awa mo na-“ “satoru-” “kanina pa kita hinihintay. di na kita-“ “satoru.” “dumere-deretso ka kasi-“ “satoru!”
napasigaw ka sa inis at ayaw ka niyang pasalitain. napatingin ang ibang tao na dumadaan sa pagilid.
“yn,,” bulong niya, sabay dahan-dahang pagpulot ng kamay mo.
hinatak mo kamay mo mula sa kamay niya.
nakakainis. bat ba ang tigas ng ulo mo, satoru?
“wag ka dito. wag mokong hintayin sa labas ng building. wala ka bang ginagawa?” tanong mo, boses halos nanginginig dahil pinipigilan mo ang pag-iyak.
“wala, yn. nandito ako para sayo.” “wag. umalis ka na, satoru. di kitang kayang kausapin o makita.”
nandilim ang muka niya sa kalungkutan.
“handa akong ipatunayan ang sarili ko sayo, yn. kahit ano pa kailangan ko gawin, gagawin ko.” paawa niya.
di mo alam kung hanggang kailan mo kayang magkunwari sa kanya na kaya mo pa. kapag kasama mo siya, lagi siyang masaya at matapang. noong nag-aaway kayo, palagi siyang malumanay sayo, at laging nauuna manghingi ng pasensya. sayo umiikot ang mundo niya, at sa malayong tingin, baka doon nga umusbong ang problema. akala niya, dahil nabibigay niya ang lahat ng kailangan mo, kada pagkakamali niya, hindi na niya kailangan magbago. kahit gaano man siya kabilis tumakbo, mahahabol rin siya ng kanyang pagkakamali. isang araw, napuno ka na. sa ibang tao, nakakapag-adjust siya, pero sayo, hindi niya manlang sinubukan.
hindi mo na siya sinagot at umalis ka nalang. rinig mo ang yapak niya sa likod mo, pero hindi mo naisipang tumalikod.
bakit siya sumusunod sakin? satoru naman!
malayo man ang nilakad mo papunta sa stasyon ng tren, rinig mo parin ang yapak niya. kadatapak mo, sumusunod ang kanya. hindi siya sobrang layo sayo, pero hindi din sobrang lapit. tamang distansya lang na nararamdaman mo parin ang presensya niya. nung dumating ka na sa stasyon, tsaka mo lang napansin na tumigil na ang alingawngaw ng pagtapak niya. pag talikod mo, wala na siya. di mo alam kung kailan niya naisipang iwanan ka, pero wala ka nang pake. gusto mo lang umuwi at humiga sa kama.
kahit pinagsabihan mo siya, hindi parin siya tumigil. araw-araw ka parin niya hinihintay sa labas. minsan, may dalang bulaklak. minsan, pagkain. ni isang beses ka humarap sa kanya at kinuha ang dala niya. dumeretso ka lang sa paglakad, at pagdating mo sa stasyon, wala na siya. tuloy tuloy lang ang kanyang gawi niyang pagsusunod sayo.
isang araw, paglabas mo ng building, may katawag siya.
“ngayon ka lang namin nakitang ganyan, jo!” “oo nga, kala ko ba di ka papatibag?” “hindi nga, sugs. di ako titigil hanggang di niyako sinasagot. kahit lumuhod pako sa harap niya, di ako titigil. ayokong mawala siya saken.”
di mo na siya pinansin at naglakad ka nalang. napupuno ka na ng inis, galit, sakit, at panghihina sa sobrang tagal mong kinikimkim ang nararamdaman mo para sa kanya.
bigla mo nalang narinig ang gulat niya noong nalaman niyang nakaalis ka na.
bakit ba ayaw mokong tigilan, satoru. bakit hindi mo napakita yang kakayanan mong magbago nung may pagkakataon ka pa.
hinihintay mo ang tunog ng mabigat niyang tapak na susunod sayo, pero hindi na to dumating. kahit noong tumalikod ka, wala siya. naisipan mong maglakad nalang pauwi, at sakaling kumalma ang puso mo.
napansin mo ang malaking parke na dating pinupuntahan niyo ni gojo tuwing anniversary niyo. minsan, pag feel niya lang lumabas at huminga ng sariwang hangin, or gusto niya mag piknik at tumambay sa damuhan. matagal mo na tong hindi nakikita dahil hindi to nadadaanan ng tren na sinasakyan mo.
napagisipan mong pumasok at umupo. “nakakamiss to, ah?” hininga mo sa sarili.
biglang dumilim ang langit kaya napagdesisyonan mo nang umuwi bago maabutan ng ulan.
habang naglalakad ka papunta sa isang gate, nakita mo ang isang pamilyar na anyo.
putangina. si satoru.
may dala siyang bulaklak at payong.
“yn!” sigaw niya, nagulat at nakahinga ng maluwag na nandoon ka. akala niya siguro magbabati na kayo.
tumalikod ka bigla at naglakad papunta sa kabilang gate.
hinabol ka ni gojo, binitawan na ang dala-dala niya.
hinawakan niya ang braso mo at inikot ka para humarap sa kanya.
“yn, bakit ka nandito?” tanong niya. “bawal ba pumunta dito?”
“araw-araw ako pumupunta dito, yn. di kita kayang ihatid hanggang stasyon, kaya dito ako dumederetso.” sagot niya sayo, walang laman ang boses niya kundi awa at pananakit.
nagbuntong hininga ka bago hatakin ang braso mo mula sa kapit niya. ngunit, gano kalakas mong hilahin ang braso mo, hindi ka makabitaw.
“yn naman, please. mag-usap tayo ng maayos. kahit ngayon lang. pag hindi natin talaga maayos, titigilan na kita.” iyak ni gojo, ramdam mo ang lalim ng emosyon sa higpit ng kapit niya.
“ano pa ba sasabihin mo, satoru? na sorry ka nanaman? tapos hindi ka din naman magbabago?” “kaya kong magbago, yn. sabi nga nila suguru nagbabago nako, eh! di nako masyado mapabiro, di nako masyadong gumagala simula nung nawala ka. kaya ko lahat yun.” paliwanag niya. tuloy tuloy lang lumabas ang mga salita sa bibig niya, desperado na maniwala ka sa pagpapakaawa niya.
“hindi naman yun yung gusto ko, satoru! ang gusto ko yung magbago ka para sa kabutihan mo. yun naman yung hiningi ko sayo dati pa. hindi ko hiningi na maging ibang tao ka. ang hiniling ko sayo magbago ka pag nagkakamali ka. ni isang beses ko nakita na dinamdam mo talaga yung pinagg ssorry-han mo. wala kang ginawa kundi tumakbo sa responsibilidad.” ang galit, sakit, at lungkot sa puso mo, na ubod ng tagal mo na tinatago, unti-unting lumalabas.
“lagi ako napapaisip kung nagkulang bako sa pagbibigay? sa pagaasikaso? sa pagmamahal? ako ba yung problema?” titig lang ang nabibigay niya. sayo, sapat na yon bilang sagot niya. hindi niya talaga alam kung saan siya nagkamali.
“kaya tama na, satoru. tigilan mo nako kasi hindi ko na kayang labanan ang mga pagalaw mo. nahihirapan na din ako dito, o?” tanong mo, ang tensyon kumakapal lang ng kumakapal.
hindi na siya sumagot.
umalis ka nalang at di ka na tumalikod.
pagkatapos ng araw na yon, hindi na siya lumitaw ulit. tinanong mo sila shoko kung bumalik na sa dati si gojo, pero ang balita niya ay nagpaalam daw sa kanila na aalis muna siya, mag-isa.
hindi mo na inusisa kung ano pa ang nangyari sa kanya. masakit man talikuran ang pinaghirapan mo, ang dinamdam mo, ang minahal mo, pero mas masakit balikan ang relasyon na hindi kayang panindigan.
–––––––––––––––––––––––––––––––––––––––
sorry if may typo or inconsistent i js wanted to write smth for fun












