PATAWAD, PILIPINAS
Patawarin mo kami, Inang PIlipinas, Nabigo kami na sa hirap ika'y itakas. Hindi napakinggan ang tinig ng kabataan, Nanguna ang mga taong ninakawan ang bayan.
Patawarin mo kami, Inang Bayan, Muli na namang nabigo ang mga kabataan. Na sa korupsyon ika'y iadya, Muling nanguna ang masasama.
Patawarin mo kami, kabataan, Mukhang malabo pa rin ang kinabukasan. Ngunit wag mag-alala, kami'y patuloy na lalaban, Upang ikaw at ako'y mabigyan ng bansang may kinabukasan.

















