Thizz Izzzz It!
Good News! Matatapos na kami sa OJT namin :D
Bad News! Matatapos na kami sa OJT namin :(
Grabeeeee ang bilis lumipas talaga ng mga araw. Sa Friday matatapos na kami :D Excited na kaming matapos , syempre para makapagpahinga. Medyo nakakalungkot nga lang kasi may maiiwan kaming mga gawain sa mga kateams namin kasi sila na lang yung maiiwan dun. Tuwing nababanggit nila na eextend pa kami, tinatawanan na lang namin.
Naalala ko pa nung una kaming nagkita kita nung Orientation, di pa kami magkaka-vibes nun kahit nalaman namin na mga taga-PUP sila sa CEA sila galing. Una, nakakailang kausapin kasi puro halos lalaki, ung isa tomboy, yung isa napakatahimik na babae kaya medyo ilag kami. Tapos nung nagroup kami sa 2 Team, nagkaroon ng chance na makilala namin silang 6. Nakakatuwa silang kausap, mahaharot, maiingay, makwela kaya minsan nawawala yung antok lalo na pag siesta time na. May mga times na kahit sinasabihan at kino-compare kami ng manager namin sa mga employees dun, di sila naapektuhan kaya kami nadadamay na lang sa pa-cool cool lang.
Kahit saglit ko lang silang nakilala/nakasama at pag-stay sa Aktus, grabe parang mamimiss ko yung tuwing lunch break yung lalaking cute na tatawag at sasabihing “Good Morning!, Lunch po!”. Maririnig ko yung pagnguya ng mga kasamahan ko,yung pagjojoke nila tungkol sa “pagpapakain ng gulay”. Yung pagdadala nila ng EXTRA EXTRA EXTRA RICE, kung pano nila isubsob ung mga mukha nila sa kinakainan nila. Kain pang construction worker kahit wala naman silang masyadong ginawa. Yung panggagaya nila sa mga accent ng mga koreans sa korean dramas. pangungulit na i-like yung dp nila. pagturo sa amin na gamitin yung bag tag nila para mabuksan yung CR. Pagkekwento ng mga kalokohan nila. Pagdoodle ng mukha ng mga applicant sa resume. pagpapakita sa amin ng mga fb posts nila ng mga memes. Pakikipagdebate namin sa TOMBOY na bossy. Yung kilig ni emie kapag kausap nya sila TJ at Jenrie HAHAHAHA. LALONG LALO NA YUNG PANANAMPALATAYA NILA SA AMING MGA ARTISTA! HAHAHA PAGTAWAG NILA SA AMIN NG KATH, NADS, LIZA AT JULIA. AT ETO NAMAN KAMI , FEEL NA FEEL :D
MEDYO mamimiss ko sila XD grabe, napaka blessed namin dahil nakatagpo kami ng company na masasabi kong na-train talaga kami at pagkakaroon ng mga co-interns na kagaya nila














