Retrieved
Ngayon ko nalang ulit naopen tong account ko. Sobrang daming nangyari in the past years. Lumipas ang 2021, 2022 at ngayon, 2023.
Taong 2021, nakipag break sakin yung girlfriend ko. Kase need daw niya ng time sa sarili niya. Naintindihan ko naman. Minsan napapagod din tayo sa mga bagay bagay. Di ko rin daw kase mabigay yung gusto niya na mag aral ako. Ang akin, wala na talaga akong gana mag aral that time. We talked about this nung October 2020. Sabi ko sakanya, mag hahanap ako ng trabaho para makapag ipon at makapag settle kasama siya. Pareho kaming nag agree sa ganong desisyon. Dumating and November last week. Nararamdaman kong nagiging cold siya sakin. Minsan nalang siya mag reply. Hinayaan ko nalang dahil naging busy din ako sa work at graveyard ang shift ko. Syempre nag aadjust pa katawan ko. So basically, tulog ako sa umaga. Nag uusap at nag kikita pa rin kami ng 2021 kahit na break na kami. Masaya. Malungkot. Di ko mapaliwanag yung emosyon na nararamdaman ko pag kasama ko siya.
Taong 2022, mga bandang March, umamin siya na may kinakausap na syang iba. Actually hindi iba. Kilala ko siya. Ako ang unang naging kaibigan niya. Nag kakilala kami nung guy sa isang online game. Laging magkalaro, nag uusap sa discord. Hanggat sa pinakilala ko siya sa girlfriend ko at sa iba naming friends na nag lalaro nung online game. Take note, lalaki yung naging kaibigan ko at never ako nag ka gusto sa lalaki dahil isa akong lesb. This guy, I knew na gusto niya yung girlfriend ko pero wala akong sinabi sa girlfriend na layuan niya or wag nyang kausapin. Hanggat sa silang dalawa nalang yung mag ka laro, nag uusap sa discord, at eto pa, dahil nga GY shift ako, laging mag ka vid call silang dalawa ng madaling araw dahil inaanxiety yung GF ko. Mag ka vid call lang daw sila as friends at wala daw siyang nakikitang masama don. So nag okay nalang ako. So yun nga balik tayo sa March 2022. Mag kausap na raw sila. I cried. Really hard. Na feel ko na nag cheat siya kaht hindi. Na feel ko na na betray ako dahil kaibigan ko siya eh. Like, how? why???? mag mula non, hinayaan ko nalang silang dalawa pero hindi mawawala sakin na masaktan. mag isip. hindi ko alam kung tama pa ba yung ginagawa ko. I’m asking her kung sila na ba or something pero wala. hindi naman niya sinagot or whatsoever. Pero yun. Hinayaan ko nalang silang dalawa. Sabi ko as long as masaya yung ex ko, dun ako.
Also, nung wala na kami ng ex ko at nung umamin na syang meron syang iba, I met this girl sa work. Nakaramdam ako ng excitement. Gusto ko siya ipursue. Pag ako kase nag ka gusto sa isang tao, gagawin ko lahat para sayo. Ayun, kwentuhan, asaran. minsan mag ka holding hands na kami ng di namin napapansin. kumakain kami sa labas, minsan ako may sagot. minsan siya ang may sagot. i have pics and vids pero di ko nalang ilalabas hahahaha. this was June or July 2022. So yep it’s been a year. And i’m with my ex now. Hahaha yup you read it right. Nag break sila nung guy last September 2022. And sobrang daming shit na nangyari. As in shit talaga. So yun kami na ulit nag uusap. Nag sstay sya sa bahay minsan 2 weeks. Minsan pa isang buwan na haha.
2023. na open ko yung telegram niya and her messenger. Then I found out na pinadalhan niya ng stuffs yung guy. Like pics nila, letters, shirts etc. eto pa, niregaluhan ako nung ex ko ng shoes na Vans slip on na tripe black. Kaya pala nag tataka ako bakit niya hinahanap ulit yung at ibibigay daw nya sa tito niya. So ako naman okay sige kase diba tito naman niya yun. Pero nalaman ko na binigay nya lang pala dun sa guy. Like wtf hahaha binigyan niya rin nung ginawa niya flower na binigyan nya rin ako hahaha. then she always send a message in regards with her feelings towards the guy. Naisip ko lang na, grabe pala yung pag mamahal niya dun sa guy. Iba. Never siya naging ganon sakin eh. So hinayaan ko nalang ulit kase ako yung lumabas na masama na nangengealam ako ng accounts niya.
Fast forward to this month. July 2023. May nakita ako ulit sa telegram niya na may kausap syang ibang guy last March 2023. And the conversation I read with her bestfriend? Na sinasabi niya na, what if siya talaga? or like gwapong gwapo siya dun sa guy something like that. So inopen ko yun sakanya. Pero of course siya nanaman ang nagalit ano nanaman daw ba ang issue ko. Like everytime na may itatanong ako about sa past niya, ang tanong lang niya sakin, “ANO NANAMAN BA YANG ISSUE MO?” or sinasabi niya na nag mamatter daw ba sakin yung past niya? like???? hahahaha mag ka usap na tayo nung October 2022 until now. Hinayaan ko na ngayung nakita ko na pinadalhan niya ng kung ano ano tapos ngayon may iba nanaman akong nakita? Hays.
What should I do?














