SKL
Since first time ko mag Boracay, nag search na ako ng mga activities na pwede naming gawin to enjoy. Ako, bilang takot sa tubig dagat o kahit anong tubig na malawak, naeexcite ako itry kasi why not diba? Conquer your fear, ganonn! Char! Sabi ko nga, kahit di na ako makapag Crystal Kayak basta makapag helmet diving ako.
Pero di talaga ako nagwa water activities kasi nga bawal ako too much movement, too much emotion. Basta lahat ng sobra 🤣
Ayun..
Bago ang "diving". Merong orientation. Kapag meron ka daw nito, bawal ka mag helmet diving..
Asthma
Heart Problems
Highblood Pressure
Any medical condition daw
If pregnant ka
If 13 yrs old below age mo
Dahil nga gusto kong matry, kahit alam kong bawal ako, tinuloy ko pa rin. Mukha naman akong okay sa picture at video diba? Una nahirapan ako. Nangangalahati palang ako ng ladder pababa, sumasakit na tenga ko. Di ako makapag equalize ng pressure. Akala ko di ko na kakayanin bumaba pero pinakalma ako ng diver and eventually, pinilit ko at unti unti akong nakababa. (Masakit padin tenga ko pero nawawala wala din kalaunan)
Akala ko okay na okay na ako sa ilalim. Akala ko wala na magiging problema, pero nung pinaahon na kami, napansin ng friend ko na nagdudugo ilong ko. (Wtf) Akala ko pa dugo galing sa daliri ko dahil nasugatan ako paakyat. Ayun pala galing sa ilong ko, natulo papunta sa labi ko. At hindi ko yun nararamdaman. Ang alam ko lang, masakit tenga ko. Parang may tubig. Barado. Para akong naka earpods with noise cancellation. Ganon yung pakiramdam.
Hanggang ngayon di ako mapakali sa tenga ko. Barado padin siya. Walang pinagbago. Mahina tuloy pandinig ko. Bigla ko naalala na sana pala nag Crystal Kayak nalang ako. May napost pa sana ako sa IG ko. Wala sana akong problema ngayon. Lol
Masaya naman mag helmet diving. Pero di ko na uulitin.

















