Travel. Package. Sometimes Legit. Sometimes BS.
Anong masasabi niyo sa Travel Packages?
Mahilig ako bumyahe pero ni minsan ‘di pako nag avail ng travel package ng dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
Unang una, ang hirap mag pa schedule . May date kang gusto, itataon mo sa holiday, o sa long weekend o sa birthday ng aso mo, PERO! Hindi pwede. Hindi available. ilalagay ka sa season na maulan, delikado bumyahe, minsan naman sa panahon na uso ang aswang.
Pangalawa, may minimum number of persons. para makatipid ka, dapat madami kayo. Paano kapag sadyang dalawa lang kayong magkaibigan at takot kayo sa tao? (Edi mag avail ka nung pang dalawahan) eh mahal nga!! Tapos kung konti lang kayo, isasama kayo sa ibang grupo para mabuo yung 10-12 na capacity nung van. 9 na oras naghuhuntahan mga kasama mo sa van, tapos kayo ng kasama mo, sobrang OP. Kung makikita ninyo sa IG ko, iba iba ang kasama ko pag nag a-out-of-town ako, kaladkaring bata, kahit kanino pwede isama. Kaya iba iba kasama ko, kasi hindi mahilig mag out-of-town ang aking butihing mga kaibigan. Sumasama ako sa iba para nga kasi, makamura. Laging saling ketket. Wapakels naman ako kaya keri lang. Minsan naman ako mag isa, kasi parang pareho lang. Kasama ko lang sila pumunta at pauwi at matulog, pero mag isa naman ako halos nag iikot o namamasyal. Kung mas madami kayo sa 8, wag na kayo mag package, kasi mas makakamura kayo. Pag mas mababa naman kayo sa 6, wag na din kayo mag package. Kasi mas mapapamahal kayo. In short, wag na mag package. Hihi :)
Pangatlo, kailangan mong sumunod sa schedule. syempre may itinerary na yan. Sabi ng iba “okay nga yan eh, hindi nako mammroblema san ako pupunta.” hmmm. Pwede, kaya lang, nagbakasyon kasi ako, hindi marathon. O amazing race. Na dapat matapos ko on-time/unahan ko yung oras. Gusto ko ninanamnam ang bawat lugar na pinupuntahan ko. Hindi ako mahilig sa pictures kaya gusto ko langhapin yung hangin ng lugar na yun. Kahit pa sabihin nila na hangin parin naman yan ng Pilipinas yan, o usok lang ng tambutso ng taxi nasa Baguio nga lang, o amoy marijuana pa sa madadamong parte ng Tagaytay pagkatapos mamaya ako ay tumatawa na at medyo high (time! Fliptopan na tooo!) walang pakialamanan. “Okay po, 10minutes to take pictures and we’re heading to….”. B*tch please.
Pangapat, at higit sa lahat, wala akong pang down payment. Babasahin ko palang terms and conditions tinatamad nako. Lalo pa mag down. Hindi ako nag ccreditcard, kasi feeling ko mababaon lang ako dun. Sa hectic ng sched ko wala nakong panahon dumaan pa ng bangko (wag na umemers, wala ka rin namang ibabangko) onganaman. Kailangan ko kasi agad maglabas ng pera sa packages na yan. Di tulad pag pumunta ako kung kelan ko maisipan. May dalawang linggo para mag ipon (charot. 1 buwan 😆). Eh sa mga panahon na may pang down nako, hindi na available yung gusto kong petsa. Ending, nganga
Package: Baler 2d/1n Php 2,200 (min of 4)
Inclusion
Surfing lesson for 1 hour
Transpo
Lodging
(Food? Tour sa baler-falls and sh*t? Transpo within the city? 1hr lang surfing?)
Trip ko: 3d/2n (min of 4 din para makumpara) roughly pHp 3,500
Inclusion
Joybus deluxe 1300 balikan
Transpo within the city 150
Entrance fees (museums, falls, beaches) 200
Baler tour (600/4. Tricycle lang kasi, kontrata, 3persons per tricycle -500php, dahil apat kayo, gawin mo ng 600) so 150ea
Food - 500php
Lodging - 1400/4 person/day. 2800/4, 700ea
Surfing lesson - 2hours, 500
Kayo na bahala kung ano trip niyo. Syempre opinyon ko lang yan. At biased yan. :))