The Adventures of Captain Whogoat: Nang Isang Araw Naisip Ng Barakada Pumunta Sa Enchanted Kingdom
Matagal na namin binabalak magkakaibigan na pumunta ng E.K., kaya lang kung may pera man kami, wala naman kaming oras, o kaya may oras man, wala naman kaming pera. Kaya nung biglaang may nag-alok ng PhP300 na ticket sa E.K., at nagkataong December 7 yun, tumapat ng linggo, ay nag-sieze the moment na kami.
At dito nag-umpisa ang isa sa mga memorable adventures ni Captain Whogoat.
Dahil two weeks bago mag-Dec. 7 ay nakabili na kami ng ticket, excited na kaming magkakabarakada na pumunta ng E.K. Kanya-kanya kaming request na tara sakay tayo dito, wag na tayo sumakay ng Space Shuttle plith, at "pag sumakay tayo sa Wheel of Fate, first time ko yun." May mga segway din na "anong isusuot nyo? Shorts lang ba?" at mga paalala na "magdala ng extrang t-shirt kasi mababasa tayo." Kaya lang ibinalita na may super typhoon na tatama sa Pilipinas. Daig pa namin ang 24 Oras, TV Patrol, at CNN kung makabantay kami sa mga balita galing sa PAG-ASA. Sabi namin kahit bumagyo pa, hindi kami papapigil at nakita ko sa mga kaibigan ko na seryoso nga sila, rain or shine tutuloy kami. Gabi ng December 6, minove ng E.K. ang sched namin sa December 14.
May mga bagay talaga na kahit anong pilit, kahit gaano ka kadesidido, pag hindi pa tamang oras, hindi talaga pwedeng mangyari.
Isa sa mga rides na tuwing pumupunta ako sa Enchanted Kingdom hindi pwedeng hindi ko sakyan ay ang Rio Grande Rapids. Ito ang dahilan kung bakit tuwing pupunta ako ng E.K. lagi akong may dalang malaking bag para meron akong extrang set ng damit kasi siguradong mababasa ako ng tubig. Kaya lang nung December 14, sa araw na pumunta kami, sa tagal ng hinintay namin, ang Rio Grande Rapids ay closed for maintenance.
Talagang kahit gaano mo katagal hintayin ang isang bagay, kahit gaano mo pa paghandaan, pag hindi yan handa para sa'yo, hindi talaga. Pwede naman umasa sa "next time" kahit panibagong paghahanda at mas matagal na paghihintay ang mangyari.
December 14, araw na hinding hindi ko makakalimutan, isusulat ko pa sana sa diary ko kaya lang hindi ako nagda-diary. Bakit? Kasi may nagawa akong isang bagay na hindi ko inexpect na gagawin ko buong buhay ko. Oo, sige na, aamin na ko, ako yung nagpupumilit sa kanila na wag na akong pasakayin ng Space Shuttle kasi hindi ko talaga kaya. Tuwing may pumipilit sakin na sakyan yon, kapag hindi nagwork ang masungit kong "ayoko nga," iniiyakan ko talaga sila. Kaya lang this time kahit paiyak na ko, hindi talaga ako pinaligtas ng mga kaibigan ko at kahit sobrang tagal na nila sinabi sakin na sa ayaw o sa gusto, sasakay ako ng Space Shuttle, hindi padin ako prepared sa mga nangyare.
Let's just say na sa tamang oras kasama ang tamang tao na magsasabi sayo ng tamang bagay, kahit ano pa yang kinakatakutan mo, you'll take the plunge, and believe me, it's one of the best decisions I ever made my entire life.
Nagselfie din kami habang nakapila kami sa Jungle Log Jam. At karamihan sa mga kuha naming mga picture may mga nakikipose sa likod. Ang whogoat ko? May mga tao talagang isasali ang sarili nila sa buhay mo, nasayo na kung papansinin mo sila o hindi pero sa ayaw at sa gusto mo, kasama sila sa memories na maiiwan sayo.
Nun naman pumunta kami sa Rialto, isa sa amin ang nakatanggap ng tawag galing sa tatay nya kaya naturally, nagpaiwan muna sya sa labas. Nakapila na kami at inaabangan namin sya na dumating para isisingit namin sya sa pila, kaya lang sabi nya hahanapin pa nya yung bonnet nya na nawawala.
May mga tao talaga hindi oras oras lagi mong kasama... And you'll be lucky if that someone has the decency to tell you na maghihintay ka lang sa wala.
Hindi lang rides ang naenjoy namin sa E.K., ubos din ang pera namin sa daming beses namin bumato ng plato, magshoot ng rings sa bote, magtapon ng manok, bumunot ng isda para sa mga cute ng stuff toys. Kahit papano madami naman kaming makuha, kaya lang hindi ko na icocompute kung magkano ang nagastos namin, after all, it's not the destination, it's the journey. May mga bagay lang talaga na kahit anong hirap ang gawin mo, kahit gaano pa kalaki ang gastusin mo, pag hindi meant to be, hindi talaga meant to be.
Maaga kaming pumunta sa E.K. non kaya umaga pa lang ay nakadami na kami ng rides kaya lang hindi talaga kami swerte sa Disco Magic kasi dalawang oras kaming pumila para don. Hindi man namin experience tong hugot na to, may natutunan naman ako sa tatlong nagfi-field trip na estudyante na sumingit sa harap namin. After two hours ng pagpila, ayan na malapit na, kami na yata ang kasunod na batch ng sasakay, nagtext sa kanila yung mga classmates nila na aalis na yung bus so they had no choice but to leave the line. Kapag talaga unfair ka, babalikan ka ng karma at times 10 ang sakit nyan para sa'yo.
Isa sa mga highlight ng araw na yon, or should I say gabi na, ang Wheel of Fate. Pumunta kami don para pumila pero sabi sa 'min hindi na daw sila magpapapila muna kasi maguumpisa na ang fireworks display kaya umupo kami sa isang tabi para maghintay, magkakasama namin pinanood yung fireworks display, at sa dami ng ipinila ko buong buhay ko, eto lang yata ang pila na naenjoy ko.
Fate finds a way to make you see how beautiful things are around you, you just have to stop and enjoy the moment. These moments are the one you will cherish for the longest time.
Kaya sa inyong lima, thanks for sharing that memorable day with me. And most of all, sa Kanya who made things possible, for the most precious gift, the gift of friendship.